Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BAGANSYA

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Jeric Raval, Dan Fernandez, Patrick de la Rosa, Dindo Arroyo, Sharla Tolentino

Director: 

Pong Mercado

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Glen Marcelo

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Roberto Vasadre

Genre:

Action/Drama

Cinematography: 

Alma de la Pena

Distributor:

Regal Films Entertainment

Location: 

Taal, Batangas

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Nagmamadaling umuwi si Jack (Jeric Raval) pagkatapos mabili ang gamot para sa anak na may sakit. Nasalubong niya sa daan si Cordoba (Patrick de la Rosa) at mga kasamahang pulis na nakaenkwentro na niya sa welga. Pinigil siya para kunin ang konting perang natitira sa kanya at tinutukan siya ng baril. Sa kagustuhang makawala ay nakipag-agawan ng baril si Jack, aksidente itong pumutok at tinamaan ang isa sa mga pulis. Dahil dito ay nakulong si Jack. Sinaktan at pinuwersa siyang paaminin sa krimeng. Itinanggi  niya ito at ipinagpilitang alam ng grupo ni Cordoba na wala siyang kasalanan. Makakalaya pa ba siya? Makakatulong ba ang asawang si Mina (Sharla Tolentino) sa kabila ng pagkamatay ng kanilang anak? Kung ang hepe ng pulisya ay kumakampi sa kanyang mga tauhan, meron pa ba siyang pag-asa?

Nakaungos lamang nang kaunti ang pelikula sa puntong hindi ito naging malaswa o bastos kahit na may eksenang pinagsamantalahan si Mina ng Hepe (Dindo Arroya) ng pulisya. Bagamat hindi rin naman iyon maituturing na artistiko o masining na kuha dahil karaniwan din lang. Ito pa rin ang dating tema ng good guy laban sa bad guy. Maraming ipinakitang eksena ng labanan lalo na sa katapusan ng pelikula kung saan makikita ang iba't ibang stunts. Ginawa ito para maawa ang manonoodsa bida at sa kanyang mga kapanalig: si Mina at ang anak, Ninong Gustin at ang labor leader na si Ka Pepe. Hindi sila nagtagumpay na kunin ang simpatiya ng manonood dahil hindi kapani-paniwala ang pag-arte ng mga nagsiganap. Pero maganda ang isang subplot ng pelikula: si Lt. Franco (Dan Fernando) na nautusang mag-imbestiga sa mga sumbong na anomalyang nagaganap sa loob ng pulisya. Sa pagtatangka ng Direktor na si Pong Mercado na sinupin ang pelikula ay nakaligtaan niyang hubugin ang mga detalye tulad ng magalaw at masamang kuha ng kamera. Halatang amateurish ang kalakhan ng kuha at tila isang kamera lamang ang ginamit. Tila kasama ito sa mga pelikulang tinatawag na pito-pito dahil minadali.

Bagamat ipinapakita sa Bagansya na hindi maganda ang gawain ng isang pangkat ng mga pulis– ito ay pinantayan sa pagpapakita ng isang matapat na opisyal na gumagawa ng imbestigasyon tungkol sa nagaganap na anomalya. Ipinakikita rin ang pang-aabuso ng mga pulis sa posisyon at kapangyarihan, ang walang-pusong pagpapalakad sa mga ospital, panggagahasa, paglalasing at paghihiganti. Ganun pa man, ipinakita rin ang mabubuti at mapagmahal na mga taong patuloy na tumutulong sa pang-materyal na bagay, moral at tulong pangkaisipan para sa mag-asawa at sa kanilang anak. Makikita ang mga eksenang inaasahan para sa isang pelikulang aksyon. Ganun pa man hindi matagal ang pagpapakita ng nasusugatan, patayan at madugong eksena. 

Laging may mabuti at masama sa daigdig ngunit sa katapusan, laging kabutihan ang magwawagi.

 

(Date reviewed: July 27, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS