Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BAKIT DI TOTOHANIN

Running Time: 

105 min.

Lead Cast:

Judy Ann Santos, Piolo Pascual, Jeffrey Quizon, Gloria Romero, Johnny Delgado

Director: 

Boots Plata

Producer: 

Elma Mendua

Screenwriter: 

Dindo Perez

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Danny Gloria

Genre:

Romance/Comedy

Cinematography: 

George Tutanos

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Provincial town, Manila

Technical Assessment: 

• • • ½

Moral Assessment: 

 + + + +

CINEMA Rating:

For viewers of all ages

 

Nilasing at inudyukan ni Martin (Vic Vargas) ang ina ni Andres (Johnny Delgado) na ipusta at ipatalo ang pinakamamahal na gym ni Andres. Para mabawi ni Andres ang kanyang gym, ay hinamon  siya ni Martin na paglabanin ang kanilang mga anak sa isang boxing bout. Ngunit ang anak ni Andres na si Andrew (Jeffrey Quizon) ay walang hilig sa boxing kundi sa pagiging Reyna Elena sa santacruzan. Nanghina si Andres at umatras sa usapan ngunit hindi ang kanyang anak na si Katong (Judy Ann Santos). Siya ang papalit kay Andrew, isang magandang pagkakataong mapansin at mapamahal siya sa kanyang ama. Nagpakumbaba siyang humingi ng tulong sa isang magaling na trainer na si Paul (Piolo Pascual) na dati niyang crush ngunit ngayon ay lubha niyang kinaiinisan.  Kaya kayá ni Katong na pumasok at magtagumpay sa larangan ng sports na panlalaki? At sa kanilang pagsasanay, manumbalik kaya ang pagtingin niya kay Paul? 

Ito'y isang istorya ng young love, puno ng mga love-hate gimmicks ni Juday at Piolo na totoong 'kilig-to-death' ng kanilang maraming tagahanga. Ang kwento ay napakasimple at madalas nang gamitin sa mga nakaraang mga pelikula. Ang mga pangunahing artista ay pawang magagaling mula sa mga bata hanggang sa mga beterano lalong-lalo na sina Johnny Delgado at Gloria Romero. Si Jeffrey Quizon, kahit na sa isang supportingrole lamang, ay napakagaling, natural at kapani-paniwala ang pagganap, at masasabing may magandang kinabukasan sa larangan ng sine. Mabilis ang takbo ng istorya at ang diyalogo ay nakakaaliw at makulay ngunit hindi bastos.  

Ang pelikula ay nagpapakita muli ng magagandang kaugaliang Pilipino—ang pagmamahal at kalinga sa pamilya, pagmamalasakit, pagbubuklod at pakikiramay. Pinakita din dito ang pagbibigay at pagsasakripisiyo ng magkapatid at magkasintahan. Sinasabi din dito na ang isang magulang, bagamat istrikto at kung minsan ay mabigat magsalita, pagmamahal pa rin sa kanyang mga anak ang nangingibabaw. Isa din itong paalala sa mga magulang na ang anak, maski sino o ano man siya, ay kaloob ng Dios na dapat mahalin at bigyan ng kalinga.

Binabati namin ang lahat ng may kinalaman sa paggawa ng pelikulang ito na delightful at wholesome comedy na para sa pangkalahatang manonood.

 

(Date reviewed: August 31, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS