Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BANYO QUEEN

Running Time: 

108 min.

Lead Cast:

Andrew E., Rica Peralejo, Vhong Navarro, Mystica, Cholo Escaño

Director: 

Dwight Gaston

Producers:

Vicente del Rosario, Erik Matti

Screenwriter: 

Dwight Gaston

Music:

Jaime Fabregas

Editor: 

Efren Jarlego

Genre:

Comedy/Horror

Cinematography: 

Rico Jacinto

Distributor:

Viva Films

Location: 

Manila, Olongapo

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Sawing-palad na nilalang si Drew (Andrew E)—kapos na sa hitsura at isipan, ay kakambal pa ang kapahamakan. At lalo na kapag siya ay naakit ng babae, disgrasya ang inaabot ng babae, kung kaya't siya ay virgin pa. Nang makilala niya si Angeli (Rica Peralejo), hindi niya alam na ito ay isang bampira na naghahanap ng isang virginpara maging ganap ang kanyang pagkabampira. Pagdating ng 21 anyos, ang isang bampira ay mamamatay kapag hindi siya makakahigop ng dugo ng isang birheng lalaki. Ngunit sa kanilang pagtatagpo, na-in love si Drew at si Angeli sa isa't isa.

Muli na namang pinarusahan ang manonood ng isang walang katuturang pelikula, na walang maipagmamalaki, bagkus ay dapat pa ngang ikahiya. Ito'y isang mala-higanteng slapstick comedy mula sa umpisa hanggang dulo. At dahil sa pagsingit ng slapstick sa bawa't pagkakataon, naging magulo ang plot at malabo ang pag-uugnay ng ilang eksena. Mayroon namang kakayanan ang mga artistang magpatawa, ngunit masyadong trying hard ang iba, nagiging ekseherado tuloy at hindi kapani-paniwala ang kanilang mga kilos at facial expressions. Tugma ang background music ni Fabregas sa tema ng pelikula. May isa namang mapupuring eksena sa bandang dulo—ang car-stunts—maganda ang habulan at nakakatawa ang pagkakaluray-luray ng mga sasakyan.

Sa kabila ng lahat ng ito, umaalingawngaw ang sinehan sa walang humpay na halakhakan at sigawan. Marahil ay talaga lang naghahanap ang mga tao ng kahit na anong kaligayahan sa gitna ng madilim at malungkot na katayuan ng kanilang buhay.  Kung ang layunin ngwriter at producer ay aliwin ang mga manonood, sila ay nagtagumpay. Ngunit ang kanilang ginamit na mga paraan ay labag sa magandang asal, katulad ng toilet humor at pangungulangot sa publiko. At higit na labag sa moralidad ang mga jokes, mga kasuotan ng mga babaeng artista, at mga eksena at usapang pawang nakatutok sa sex (na talaga namang pinagpiyestahan ng mga lalaking manonood).

Napakatalino ng Pilipino sa larangan ng pagpapatawa at kayang-kaya nating gumawa ng malilinis na komedya (tulad ng Bakit di Totohanin halimbawa.) Bakit hindi ito ang ating pagbuhusan ng oras, talino, at pera? Ang Banyo Queen ay hindi naming ipinapayong panoorin ng bata man o matanda.

 

(Date reviewed: September 14, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS