|
Magkababata si Gerry (Ronald Gan Ledesma), isang NBI agent at si Dodong (Manny Pacquiao).
Madalas sagipin ni Gerry sa kapahamakan ang kaibigan dahil sa kanyang napakababaw na pananaw sa mga problema niya sa buhay. Minsan, sumali si Dodong sa mga pinupustahan na illegal streetfighting at doon natuklasan niya na may angking husay siya sa boksing. Matapos magtamo ng kaalaman at kasanayan sa boksing at mahasa ang kanyang kakayahan sa ilang ulit na paglaban sa ring, inihanda siya sa isang championship game na pakana ng mga sindikato ng game fixers. Magpapatalo
ba si Dodong upang makuha ang inaaasam na malaking pera o ipaglalaban ba niya ang kanyang prinsipyo bilang isang boksingero?
Pagsamahin mo sa pelikula ang isang matinik nablackbelter at isang world boxing
champion at siguradong mga umaatikabong eksena ng suntukan at tadyakan ang inyong makikita. Ang tambalang Ledesma at Pacquiao ay angkop na angkop para sa Basagan ng
Mukha. Simple lang ang kuwento ng makatotohanang ipinakikita ang mga gawain ng underworld, subalitnagiging nakalilito ito dahil sa masamang editing. Marahi,
upang hindi mapagod ang manonood sa mga karahasan sa kuwento, sinamahan ito ng isang mainit na bed scene, isang pamamaraan para maibenta ng prodyuser ang pelikulang
ito. Kapuna-puna na sa napakaraming barilan sa kuwento, wala ni isang galos o tama ng bala ang mga bida!
Maganda ang mensahe tungkol sa katapatan at damayan ng magkaibigang Gerry at Dodong: ang
pagsunod nang walang pangamba sa payo ng isang kaibigang may dunong, ang pagtulong sa oras ng kagipitan at pangangailangan, at ang pang-uunawa sa kakulangan ng isang
may kahinaan sa pananaw sa buhay. Ipinakikita rin ng kuwento ang pagpapahalaga sa prinsipyo sa buhay sa gitna ng napakaraming tukso sa paligid—babae, pera, kapangyarihan at
puwesto sa lipunan. Ilan nga ba sa atin ngayon ang paiiralin ang kabutihan at katotohanan sa gitna ng mga tuksong ito? Para sa mga mahilig sa boksing, magaganda ang mga eksena
na may kinalaman sa sports na ito, lalo na't si Manny Pacquiao ang boksingero. Sa isang banda, ang pelikula ay puno ng karahasan at patayan dahil sa drugs, kidnapping, at gambling, mga
pagdanak ng dugo dahil sa barilan at salvaging,mga walang tigil na pagmumura, sex scenes at mga babaeng kakaunti ang saplot sa katawan, brutal na pagpaparusa sa
isang kaaway, at ang sobrang paglalasing.
(Date reviewed: October 5, 2001)
|