Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BUHAY KAMAO

Running Time: 

117 min

Lead Cast:

Robin Padilla, Rica Peralejo, Bobby Andrews, David Bunevacz, Raymond Bagatsing, John Lapus, Kristine Mangle

Director: 

Joyce Bernal

Producers:

Vic del Rosario Jr.

Screenwriter: 

Mel Mendoza del Rosario

Music:

Raul Mitra

Editor: 

Joyce Bernal

Genre:

Drama/Comedy

Cinematography: 

Charlie Peralta

Distributor:

Viva Films

Location: 

BaguioCity, La Trinidad

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Tinalikuran ni Pepe (Robin Padilla) ang pagboboksing nang mamatay ang kanyang Kuya Rico (Royette Padilla), isa ring boksingero, sa isang laban nito. Kasama ng kanyang ama ay nagsikap silang kumita bilang maggugulay. Subalit naaksidente ang kanyang ama habang nagmamaneho at ang may-ari ng nabunggo nitong sasakyan ay humihingi ng kabayaran upang hindi na ito magdemanda. Nangutang ng pang-areglo si Pepe sa kanyang kaibigang si Badong (John Lapuz) ngunit hindi siya makahanap ng pambayad nang kailangan na niyang bayaran si Badong. Dahil dito ay coach niyang si Poldo (Spanky Manikan) upang bigyan siya ng laban. Bago pa siya umakyat sa ring ay pumayag siya na ipatalo ang laban nang alukin siya ng isang "fixer" ng mas malaking halaga. Nang mabisto siya ni Vilma (Rica Peralejo), ni Poldo, ng mga kaibigan at mga tagahanga, lalo na ng batang si Dek Dek (Kristine Mangle), ay namulat ang mga mata ni Pepe sa kamaliang nagawa. Ano ang gagawin niya? Maibabalik pa kaya niya ang tiwala ng mga tao sa kanya?

Mahusay ang sinematograpiya subalit maraming eksena sa Buhay Kamao na hindi mahalaga sa tema o galaw ng pelikula, tulad ng napakahabang paglalakad ni Pepe at barkadang si Abdon (Bobby Andrews) habang pasan ang gulay patungo sa sasakyan ng mamimili. Parang walang kwenta ang ilang eksena ni Pepe at Dek Dek maliban sa nakatutuwang sitwasyon at palitan nila ng kakulitan. Walang nagbago sa pag-arte ni Robin Padilla. Over-acting pa nga ang ibang mga artista dito, marahil ay dahil sa hindi malinaw kay Bernal kung drama o komedia ang ginagawa niya. Watak-watak ang istorya at marami mga katanungang naiiwan sa isipan ng manonood. May mga pagkakataon ding pabugso-bugso ang tunog at pagsasalita na nakakabingi at nakakainis sa kalaunan.

May mga magandang aral na ipinilit ituro ng Buhay Kamao tulad ng edukasyon, pagkalinga sa mga magulang, paggalang, pakikipagkaibigan, pagmamahal at pagiging tapat. Iminumungkahi ng CINEMA na pag-usapan ng mga magulang at ng kanilang mga anak ang isyu tungkol sa pagbebenta ng laban, homosexuality, prostitusyon, at gawi ng batang sutil, bastos at butangera.

Sinubukan ng Buhay Kamao na hikayatin ang maraming manonood sa lahat ng edad, subalit ang buong pelikula ay nararapat lamang sa mga manonood mula 14 na taong gulang pataas.

 

(Date reviewed: June 15, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS