|
Isang matagumpay na sales agent si Brian (Jeffrey Gonzales) sa kumpanya ng asawa niyang
si Almira (Rita Magdalena). Ito rin ang tumulong para makapagtapos siya sa kolehiyo. Mahal ni Brian ang asawa at lagi inuunawa ang pagkukulang nito sa kanya, maging ang
kawalang tiwala nito sa kakayahan niyang magpalakad ng kumpanya, kahit na ibinigay pa sa kanya ang posisyong vice president. Kaya naging masakit para sa kanya nang
ipalaglag ni Almira ang kanilang anak dahil sagabal daw ito sa trabaho. Naiwan sa pamamahala ni Brian ang negosyo nang maaksidente ang asawa. Dito ay napalapit siya kay Cathy
(Hazel Espinosa) na best friend atexecutive secretary ni Almira, at nagkaroon ng relasyon. Natuklasan ito ng asawa nang makita sila sa opisina na nagtatalik. Ano
kaya ang gagawin ni Almira sa kanyang nakita? Tatanggapin kaya niya si Brian kung ito ay babalik sa kanya?
MASAKIT…Huwag mong ipilit.. ay isa na namang pelikulang sa pamagat pa lang ay seks na ang temang tinutumbok. Mayroong maaaninag na magandang kuwento,
pero dahilan sa mga eksenang seks at komedyang pampagulo lang naman, naaapektuhan ang sana'y maayos na daloy nito. Mapapansin na kulang pa sa karanasan ang cast sa
pag-arte, bagama't kakikitaan ng potentialsina Hazel Espinosa at Rita Magdalena. Iwasan lang sana nila ang pag-oover-acting sa mga eksenang dramatic.Ang
mga nabanggit na pagpuna ay hindi nangangahulugang wala nang iba pang kahinaan ang kabuuan ng pelikula.
Maliwanag na ang panghatak ng MASAKIT…Huwag mong ipilit… ay ang mga artistang
kilala sa pagganap sa mga sex movies. Kaya naman may ilang eksenang seks at pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan. Idagdag pa ang mga negatibong aral na makukuha
tulad na lang ng magkaibang pananaw ng isang tao sa abortion, pagtataksil dahil sa kalungkutan, premarital sex ("tutal magpapakasal naman"), at pagsisinungaling
para itago sa isang taong may karapatang malaman ang totoo. Bagama't may magagandang aral din na mapupulot sa pelikula katulad ng pagpapahalaga sa salitang "kasal" at
"kaibigan", pagpapaubaya para sa kaligayahan ng iba.
Ganun pa man walang mawawala sa iyo kung hindi mo ito mapapanood.
(Date reviewed: December 14, 2001)
|