Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

HULI SA AKTO

Running Time: 

87 min

Lead Cast:

Jestoni Alarcon, Allona Amor, Roy Alvarez, Cristina Kasten, Dindo Arroyo

Director: 

Jun Posadas

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Francis Posadas

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Danny Gloria

Genre:

Drama-Action

Cinematography: 

Johnny Araojo

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Isla San Cristobal (province); Production

Technical Assessment: 

• ½

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nang niligtas ni Delfin (Jestoni Alarcon) sa masasamang loob ang pinaka-makapangyarihang Don Fernan (Roy Alvarez) ng isla San Cristobal, pinangakuan siya nito na tutulungan siyang matupad ang kaniyang pangarap na magingseaman. Kapag uma-alis ng isla ang Don, si Delfin na ang pinagkakatiwalaan ng kanyang negosyong pangingisda, pati na ng pagbabantay sa kaniyang napakabatang asawang si Ana (Allona Amor). Nalaman ni Delfin na mula ng nakasal si Ana sa mayamang Don, bilang pambayad-utang ng kanyang mga magulang, ang buhay nito ay ang di na usong kamartiran, na puno ng kalupitan at kataksilan. Nagka-ibigan ang bantay at ang binabantayan, at nangako si Delfin na itatakas niya si Ana. Ngunit di niya alam ang sukdulang kasamaan ni Don Fernan.

Pangkaraniwan ang pelikulang ito na may pangkaraniwang dingplot.Mula sa pagpapakilala ni Fernan kay Ana at Delfin, mahuhulaan na ng manonood na magkaka-ibigan ang dalawa hanggang sa mahuli na nga sila sa akto. Bagamat magaganda ang mga tanwing tabing-dagat, nakakainip naman ang daloy ng istoriya, at mahina ang editing. Bukod kay Roy Alvarez, mabagal at pawang bagito at asiwang kumilos ang mga pangunahing artista. Magigising lamang ang manonood pagdating ng bakbakan. Totoong mahirap humanap ng mapipisil na katangian sa pelikulang ito.

Kung walang mapisil sa teknikal, lalung-lalo ng wala sa moralidad. Sapagkat hawak sa leeg ng kontrabidang Fernan ang buong isla, walang magawa ang pulis sa kanyang walang tigil na pagnanakaw, pagsa-salvage ng bawat di niya makursonadahan, ang mala-sadistang pag-aabuso sa mga babae kasama na ang asawa niya, at ang kanyang malakas at masaganang negosiyo na white slavery for export sa Japan. Iyan ang kabuuan ng Huli sa Akto , kahit ito'y nagwakas sa "Crime does not pay." Kapag ganito ng ganito ang ating mapapanood na pelikulang Pilipino, nakakapanghinang-loob na isipin ang hinaharap ng industriyang ito sa ating bayan. At totooong nakakapanghinayang na may prodyuser na pumapayag mag-aksaya ng maraming oras at salapi para sa ganitong uri ng pelikula. Ang manonood naman ay di na dapat pag-aksayan ng oras o salapi ito.

 

(Date reviewed: October 12, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS