Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

KASIBULAN

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Allona Amor, Venus Varga, Diego Salvador

Director: 

Cesar SB. Abella

Producer: 

Shanghai/Ten-Ten

Screenwriter: 

Cesar Abella

Music:

Rey Ramos

Editor: 

Popoy Crisostomo

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Arnold Alvaro

Distributor:

El Niño Films

Location: 

El Niño Films

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

KASIBULAN… mga hakbang na papalayo sa kadalisayan ng kamusmusan upang mamulat at humarap sa katotohanan ng buhay. Ang kasaysayang ito ay umiikot kay Daisy (Allona Amor), isang nagdadalagang laki sa hirap sa Isla Sinagtala. Dahil sa angking kagandahan, siya ay inalok na mag-artista na kanya namang tinanggap sa pagnanais na namakaahon sa kahirapan. Malungkot niyang iniwan ang amang si Temyong (Vic Santos) at ang kasintahang si Jomer (Paolo Rivero) upang makipagsapalaran sa daigdig ng pelikula. Subalit huli nang malaman niyang gagamitin lamang dito ang kanyang katawan. Ang pinakamasakit sa lahat, siya ay nabuntis ng kasama sa pelikulang si Regis (Diego Salvador), na ayaw panagutan ang pangyayari. Paano haharapin ni Daisy ang naghihintay na ama't kasintahan?

Hanggang ngayon, hindi rin maiwasan ang mga prodyuser ang pangungumersiyo sa sex para mabili ang kanilang pelikula. Ang kasibulan ay sagana sa hubaran, pre-marital sex, paninilip at walang humpay na pagtatalik. Ang plot ay karaniwan at mababaw. Mabagal ang takbo ng istorya, at may mga eksenang hindi kailangan sa kuwento. May isang aspeto ng sinematograpiya na masasabing maganda. Sa isang taga-siyudad, kay sarap panoorin sa pelikula ang mga tanawin sa isang baryo na di pa abot ng makabagong takbo ng buhay: ang bahay kubo, ang dagat na busog sa biyaya ng Maykapal, naggagandahang bulaklak, ang makulay na pagsikat at paglubog ng araw. Nakatutuwang pagmasdan ang ilang tradisyong Pilipino sa pelikulang ito na masasabing buhay pa sa mga baryo: ang Santacruzan, ang pakikiramay sa namatayan, bayanihan, family ties na umuudyot at nagpapatibay sa pagbabalik loob ng isang nagkasala. Angkop ang production design sa nasabing kuwento.

Tipikal sa pelikulang Pilipino ang ipakita na ang kalutasan ng problema ay natatagpuan sa paglalasing, paggamit ng droga, pakikipag-away, pagtuon sa sex, o di kaya'y pagkitil ng buhay. Ang lahat ng nabanggit ay napapaloob sa Kasibulan at sadyang hindi angkop ang mga ito sa buhay-Kristiyano. Bagama't may mga aral itong sinisikap,  ipinamamahagi — katulad ng pagpapatawad, ang pagtanggi sa abortion, pagpapairal ng disiplina't batas sa lipunan, pagsisising may kaakbay na pagbabago — ang pagsisikap na ito ay tila pilit lamang.

 

(Date reviewed: June 29, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS