|
Nasangkot ang pulis na si Ramon Labrador (Lito Lapid) sa kasong pagnanakaw ng ginto (gold
bars) kasama ang ng kanyang mga kapwa pulis. Lumalabas na sila"y nagging biktima lamang ng "frame up" at kinasangkapan lamang ng mga masasamang loob upang "mailigtas" ang
gintong iyon, sapagkat sa pagsasagawa ng operasyong iyon, lahat ng mga kasama niyang pulis ay napatay maliban sa kanya. Sa kanyang pagtakas upang mailigtas ang kanyang buhay,
napadpad siya sa isang malayong baryong malapit sa dagat. Dito naman siya nagging kampiyon ng mga mahihirap na naninirahan sa baybay-dagat, sa lupaing pinagiinteresan naman ng
mga makapangyarihan sa lugar na iyon, kasama na ang alkalde. Kinupkop siya ng pamilyang kanyang natulungan—mila Ligaya (Isabel Granada)—ngunit hindi nito nalalaman ang
puno't dulo ng pagtatago ni Labrador. Sa paniniwala ng mga masasamang loob na naghahanap sa kanya, hawak ni Labrador ang gintong makatunton sa kanyang taguan, nagsimula na ang
paghahabulan at pagpapatayan.
Sa simula pa lamang ng pelikula ay alam mo na ang magiging katapusan nito. Ang istorya'y
napaka-karaniwan, at "predictable," ika nga. Ang ilan sa mga artista'y akmang-akma sa mga papel na ginagampanan nila, ang mga sanggano'y mukha at kilos sanggano, si Lito Lapid
bilang bida ay bidang-bida, ngunit si Isabel Granada bilang isang dalagang taga-baryo ay mukhang isdang wala sa tubig: sa ganda'y pwedeng ilaban sa Bb. Pilipinas, ang mga suot
ay siyang usong-uso ngayon sa mga "malls" sa Maynila, at ang buhok ay pulahan (sa tantiya nami'y Clairol na "burgundy"). Sa kabila ng umaaktibong barilan at granadahan, maari
ka pang antukin sa panonood ng Labarador pagkat "masyadong sine" ang dating nito kaya't hindi na makatotohanan ang pagkakaprisinta. Nag-iisa si Labrador, nauubusan pa ng bala
minsan; ang kalaban ay mahigit isang dosena, pero bawa't balikwas niya't putok ng baril niya'y may tinatamaan siya't natitigbak samantalang ang mga kalaban niyang de-machine
gun pa (o Uzi ba iyon, malay ba ng karaniwang nanood?) ay nagmumukhang mga gagong wala nang tinamaan kundi pader, puntod, paso, poste, lupa o bato—kahit ano, hindi lang si
Labrador.
"Hay, naku!"—iisipin ng nanonood. Ano kaya ng napulot nila sa pelikulang ito? Bagama't
sinikap ng Labrador na ipalabas na hindi nagwawagi ang kasamaan, hindi ito ang leksiyong dinidiin ng Labrador, kundi ang katotohanang: walang hanggahan ang kasakiman ng taong
may hawak ng yaman at kapangyarihan. Kasuklam-suklam ang paggamit nila sa kapwa tao nila, makuha lamang ang gusto nila. Walang paggalang sa buhay, sa karapatan at damdamin ng
kapwa, hindi sila magdadalawang isip na pumatay, manakot at manggahasa, matupad lamang ang maiitim nilang balak na magpasasa.
Kahit ito'y maaari nang maunawaan sa tamang paraan ng may gulang na 18-taon saying lamang ang
pera't panahong gugulin ninyo sa panonood nito.
But whosoever drinketh of the water that I shall never thirst… (John 4:14)
(Date reviewed: June 8, 2001)
|