Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

LA VIDA ROSA

Running Time: 

113 min

Lead Cast:

Rosanna Roces, Diether Ocampo, Liza Lorena, Jiro Mario, Vic Diaz, Pen Medina

Director: 

Chito S. Rono

Producer: 

Tess V. Fuentes

Screenwriter: 

Armando Lao

Music:

Jay Oliver Durias

Editors:

Vito Cajili, Joyce Bernal

Genre:

Drama

Cinematography: 

Neil Daza, FSC

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nagsasama si Rosa (Rosanna Roces) at si Nato (Diether Ocampo); alaga nila si Enteng (Jiro Manio) na anak ni Rosa sa ibang lalaki, at ang bulag na ina ni Rosa (Liza Lorena).  Ang dalawa ay mga miyembro ng isang pipitsuging sindikato na ang espeyalidad ay carnapping.  Si Nato ay isang ex-convict na binihisan at ibinahay ng "older woman" na si Rosa, ngunit hindi pa rin makalimot ang lalaki sa kanyang kasintahang si Jhing (Angel Aquino) na ngayo'y nananahimik na kasama ng mayaman niyang asawa at anak.  Sapagkat nagnanasa sila ng marangyang buhay, pumayag si Nato at Rosa sa mungkahi ng pinuno ng sindikato, si Lupo (Pen Medina), na bumaling na lamang sa kidnapping upang malaki-laki naman ang kitain nila.  Di kalaunan, nagswapang ang dalawa at nag-kidnap lingid sa kaalaman ni Lupo.

Lutang na lutang sa La Vida Rosa ang husay ng pagganap ng mga tauhan.  Dama mo na dinidibdib nila ang kanilang mga papel.  Ngunit hindi ganoong "kadulas" panoorin ang pelikula dahil sa mga "sabit" sa plot at characterization nito.  Maraming "butas" ang istorya na ipinauubaya na lamang sa manonood ang pagtatapal.  Hindi pantay ang kalidad ng sinematograpiya—minsa'y magaling, minsa'y patakbuhin.  Sa pagtatapos ng pelikula, maaaring maiwang "bitin" ang manonood.  Huwag magtaka kung matanong mo ang iyong sarili,  "Iyon lang ba?"   Ito'y dahil sa tindi ng media hype o "pakulo" na pumanguna sa paglabas ng La Vida Rosa.  Dalawang taon nang walang pelikula si Rosanna Roces, kilalang reyna ng paghuhubad sa pinilakang tabing ng Pilipinas, at sa pelikulang ito, tinangka ng artista na patunayang siya'y isang artista at hindi basta "bombera."  Matatawag na ring "umarte" si Osang sa La Vida Rosa, bagama't hindi ganoong kalaking kakayahanan ang hiningi ng kanyang papel.

Bago tayo malulong sa pagsusuri sa pag-arte ni Roces, pagtuunan natin ng pansin ang laman ng pelikula na maaaring makapinsala lalo na sa mga murang isipan.  Una, labis na marahas at madugo ito.  Ikalawa, ngunit higit na dapat suriin: pinalalabas nitong kaibig-ibig ang mga kriminal, samantalang ang katotohanan ay may kanya-kanya silang mga sakit sa isipan na nagbubulid sa kanila na akapin na ang kanilang taliwas na gawain.  Halimbawa, ipinapakitang kaya lamang naghahangad na magkamal ng salapi si Rosa ay para makatulong sa kapwa.  Tama ba ang kidnapping with ransom dahil lamang gusto mong ipaopera ang bulag mong ina?  Tama bang ihantad mo ang iyong anak sa krimen at magaspang na pag-uugali pagkatapos ay mumurahin mo't bubugbugin ito kapag nagkamali?  Oo nga't maaaring nangyayari ito sa tunay na buhay, subali't hindi ito dahilan upang palusutin na lamang na "realismo" ito at "sining" nang hindi sinisiyasat ng manonood.  Sa Kristiyanismo, dapat unawain ang kriminal at kamuhian ang krimen.   Kahina-hinayang lamang na ang katotohanang ito ay hindi ipinaglalaban ng pelikulang ito.

 

(Date reviewed: September 28, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS