Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MAHAL KITA... KAHIT SINO KA PA

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Judy Ann Santos, Mikey Macapagal Arroyo, Jeffrey Santos, Joko Diaz, Niño Muhlach

Director: 

Jose "Kaka" Balagtas

Producer: 

Ervin, Evelyn Mateo

Screenwriter: 

Jerry O. Tirazona

Music:

Alwyn B. Cruz

Editor: 

Rene Tala

Genre:

Action

Cinematography: 

Val Dauz

 

 

Distributor:

MMG Entertainment

Location: 

Quezon City

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers  14 and above

 

Natagpuan ang bangkay ng isang pick-up girl malapit sa mga disco clubssa Quezon Avenue. Dahil ikatlong pangyayari na ito sa nabanggit na lugar, nasabi ng pulis na si Waldo (Mikey Macapagal Arroyo) na gawa ito ng isang serial killer. Naatasang gumawa ng balita sa naganap na pagpaslang si Karen isang journalist. Hindi matanggap ni Karen (Judy Ann Santos),  ang anggulong serial killing lalo na nang nagbigay si Budol (Patrick Ervie Mateo) ng impormasyon tungkol sa nakita niyang pagdukot sa dalawang pick-up girls. Inis ang namamagitan kina Karen at Waldo tuwing magkikita sila sa imbestigasyon, professional competition, ika nga. Samantala, nadiskubre ni Karen at Waldo ang sindikato sa droga na pinamumunuan ni Bingo (Joko Diaz). Tinugis sila ni Bingo kaya't magkasama silang tumakas patungong kagubatan. Habang sinisikap nilang lumayo sa naka-ambang panganib, unti-unti namang napalapit ang kanilang damdamin.

Mahusay ang sinematograpiya ng mga eksena sa mga gubat at bundok. Ang mga tanawin ay parang gayuma na hihila sa paa ng isang taga-Maynila upang puntahan ang mga lugar na ito! Mahusay naman ang casting ng mga ibang aktor tulad ni Paquito Diaz, Joko Diaz, at Niño Muhlach. Maganda ang lighting subalit may mga mahahabang eksena na dapat inasikaso ng editing. Hindi kapani-paniwala ang pagbabarilan ng isang mahinang pistol laban sa mas malakas na kalibre ng baril. At bakit wala ni isang galos o pasa si Karen at Waldo kahit kaliwa't kanan ang barilan na naganap sa kuwento? Napakababaw ng istorya, walang dating. Kung tagahanga ka ni Juday at ibig mong makita ang kanyang bagong ka-love team, hindi ka kikiligin dahil kahit may itsura si Mikey mahina siya sa pagpapakita ng emosyon. Puwede siya sigurong action star.

Nais talakayin ng kuwento ang dalawang bagay: ang katangian ng isang straight na pulis, at "investigative reporting" na ang layunin ay ilabas ang katotohanan.Magagandang mga tema na napapanahon. Subalit hindi nabigyan ng diin ito dahil natabunan and kuwento ng napakaraming karahasan na wala namang katuturan. Mas binigyan pansin pa ang mga bagay tungkol sa sex, mga prostitue, bugaw, droga, at mga corruptna opisyales ng pamahalaan. Bakit ba ganito na lang palagi ang tema ng mga pelikulang Pilipino? Bakit napakaraming barilan? Binibigyang katuwiran ba nito ang karahasan upang magkaroon ng katarungan?  Masarap na marinig na Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa –subalit masasabi mo ba ito  sa taong hindi mo pa lubusang kilala?

 

(Date reviewed: July 20, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS