Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

NAG-AAPOY NA LANGIT

Running Time: 

95 min

Lead Cast:

Katrina Paula, Sabrina M., Fernando Montenegro, Sara Gomez

Director: 

Angelito J. de Guzman

Producer: 

Allan Gilbert

Screenwriter: 

Rolando Reyes

Music:

Willie Yusi

Editor: 

Nap Montebon

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Boy Anao

Distributor:

Taurus Films

Location: 

Nueva Ecija, Antipolo

Technical Assessment: 

• • 

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Mula pagkabata ay ramdam ng magkapatid na Rosa (Sara Gomez) at Angela (Katrina Paula) ang di-pantay na pagtingin ng kanilang amang si Simon. Siya'y laging magiliw at mapagmahal kay Rosa ngunit pabulyaw at laging galit naman kay Angela. Maayos na naitaguyod ni Simon ang pamilya bilang tagapangasiwa ng hacienda ni Don Enriquez. Nang magdalaga na ang kanyang mga anak, kinailangan niyang mangutang dito para as pag-aaral ng paborito niyang si Rosa sa Maynila. Nagpaunlak ang biyudong Don sa isang kondisyon: gusto niyang maging asawa si Rosa. Dahil gipit ay kumapit sa pain si Simon. Samantala ay nagdaramdam ang naiwang si Angela kung bakit lagi na lang siyang inaapi ng ama. Nagbigay katwiran ang pagbabalik-tanaw ng pelikula sa gawi ni Simon subalit iba't ibang karanasan ang napagdaanan ng magkapatid hanggang sa magkawatak-watak sila. May pag-asa pa bang mabuo ang kanilang pamilya?

Maganda sana ang pagpapakita ng sinaunang paraan ng pagsasaka at ang tahimik na buhay sa kabukiran ngunit hindi masining ang pagkakahabi nito sa takbo ng kuwento na kalat din. Madalas na malabo ang mga kuha. Imbes na gawing kulay sepia (brown) o lagyan ng filter ang kamera, ang technique na ginamit upang magpakita ng flashback ay ginawang madilim at malabo ang mga eksena. Maliwanag naman ang diyalogo subalit maliban sa karahasan, panghahalay at pagpapakita ng alindog ng mga tauhang babae ay hindi ipinakita kundi sinabi ng mga tauhan ang daloy ng kwento. Para ka tuloy nakikinig ng radyo. Ang pelikula ay isang biswal na paraan ng pamamahayag. Malalaman mo ang mensahe nito hindi sa mga salitang binibigkas kundi sa mga larawang nakikita. Mababaw at di-kapani-paniwala ang mga pangyayari gayundin ang pagganap ng mga aktor. Pati costume ay hindi akma. Ginaya rito ang paggamit ng 'yun at 'yun ding puting kamison sa paliligo sa ilog at batalan, habang naglalakad sa daan, at pambahay! Nagkukunwaring drama ang Nag-aapoy na Langit pero pati pamagat nito ay walang kinalaman sa kuwento.

Gaya ng nabanggit na, pilit na sinasabi ng Nag-aapoy na Langit ang ilang mga aral tulad ng pagtitiwala, pagpapatawad sa nagkasala, katapatan, ang di paghatol sa kapwa at "kung ano ang itinanim, siyang aanihin." Ngunit higit sa lahat ay ipinapakita ng pelikula ang Pilipina na sisaktan, hinahalay, pinagtataksilan, inaapi, sinusupil, pinagnanasaan at pinapatay dahil siya ay maganda, kaakit-akit, mahina at tanga. Ganito ba talaga ang buhay-Pilipina ngayon? Masasabing harang ang pelikula kung ihahambing sa ilang mga nauna dito na garapal ang pagpapakita ng maseselang bahagi ng katawan. Subalit isa lamang ito sa napakaraming pelikulang ginagawa ng ATB 4 Films para kumita ng salapi sa pagyurak sa dangal ng kababaihan at pagtukso sa kalalakihan upang alisan ng renda ang makamundong pita ng laman. Hindi pa ba kayo nagsasawa sa mga pelikulang ganito? Kung ganito ang itinatanim natin sa isipan ng manonood, magtataka pa ba kayo sa inaani natin sa lipunan ngayon?.

 

(Date reviewed: July 27, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS