|
Nang lisanin ni Tony (Gerard Madrid) ang kanyang ama sa probinsiya sa pangarap na mapaunlad
ang kanilang buhay, nahirapan siyang maghanap ng mabuting trabaho sa Maynila. Ang hinantungan niya ay maging torero (performer sa live sex act) sa Naked
Paradise Club, kasama sina Jenny (Aya Medel), Lorna (Pamela Ortiz) at Mike (Allen Dizon). Masaya sa grupo si Tony, at di nagtagal ay nagmahalan sina Jenny at Tony, sa
galit ni Mike na matagal ng nanliligaw ngunit di sinasagot ni Jenny. Ang tanong ni Jenny sa manliligaw, "Bakit mo pa ako liligawan, samantalang gabi-gabi ay ina-angkin mo na
ako?" Isang payo ni Lorna kay Jenny "Huwag kang umasa na tototohanin ka. Tayo ay parausan lamang, hindi pang simbahan." "At bakit" sagot ni Jenny, "masama bang umasa at
mangarap?" Talaga bang wala ng pag-asa sa pagmamahal at kaligayahan ang tulad nila?
Ang pelikula ay tungkol sa isangscriptwriter (Pinky Amador) na naatasang sumulat ng script para sa isang low-budget production. Ang
kinalabasan ay kuwento sa loob ng isang kuwento at sa loob pa muli ng iaa pang kuwento na naging napakahirap subaybayan. Dahil sa temang seks, pinilit disimulahin ito ng
direktor sa pagpapadilim ng mga kuha. Kahit kapuna-puna na marami ang naging cut, kung makaminsan ay masyado pa ring graphic ang dating ng ilang sex scenes at mayroon pa ring maaanghang na pagmumura. Sa mga nakapanood ng
Live Show at ang iba pang katulad nito, ito'y isa na naman sa na-uusong pagsasapelikula ng buhay na kapit sa patalim dahil sa kahirapan.
Sa unang tingin, ang nilalarawan lang ng Naked Nights ay ang sari-saring anyo ng sexual perversions na pinangungunahan ng hanap-buhay ng mga torero at pokpok (prostitute).
At lahat ng ito ay maaaring nangyayari sa tunay na buhay. Ninais ding ilarawan ni Joven Tan (ang sumulat at direktor ng pelikula) na kailangan ng mga tulad nila ang awa at
pag-uunawa ng hirap na kanilang pinasukan, na minimithi din nila ang pagdating ng araw na maaari na nilang talikuran ang ganoong buhay at mabuhay ng mapayapa kapiling ng
kanilang pamilya, at higit sa lahat, na huwag silang mawalan ng pag-asa, kahit malayo pa ang umaga. Ngunit hindi ito nabigyan linaw ng istorya kahit na ng mga kuha sa
pelikula. Ito'y pelikulang nababagay at mabibigyan-kahulugan lamang ng mature audiences, hindi dahil sila ay 18 anyos at higit pa, kundi dahil sa sila ay mature sa pag-iisip at pananaw sa buhay.
(Date reviewed: October 19, 2001)
|