Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers ages 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

ONSEHAN

Running Time: 

95 min

Lead Cast:

Maricar de Mesa, Carlos Morales, Ricardo Cepeda, John Apacible

Director: 

Eugene E. Asis

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Eugene E. Asis

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Robert Vasadre

Genre:

Action/Drama

Cinematography: 

Rey de Leon

Distributor:

Regal Films

Location: 

Quezon Province

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Isang matinik na magnanakaw si Ricci (Carlos Morales). Tauhan siya ni Banjo (John Apacible) na miyembro ng isang sindikatong pinamumunuan ni Blue Max (Ricardo Cepeda). Binabalak ni Ricci na talikuran ang masamang hanapbuhay at ipinangako sa sariling huling lakad na ang ipinagagawa sa kanya ni Banjo na kunin ang isang kahong nakatago sa isang bodega. Walang malay si Ricci na may lamang brilyante ang kahon. Kapalit nito ang malaking halaga na magagamit niya sa pagbabagong buhay. Nagbago lahat ang plano niya nang datnan niyang hinalungkat ang bahay niya at may naiwanang laruan na Pekemon. Nagtaka siya sa mga pangyayari kaya't nagtago na siya sa takot na mapatay ng sindikato. Nakilala niya si Aliya (Maricar de Mesa) at napaibig dito. Huli na nang malaman niyang tauhan din pala ito ni Banjo. May pag-asa pa ba si Ricci na makatakas sa masalimuot na gulong ito at tuluyang magbagong buhay?

Ang Onsehan angunang pelikula ginawa ni Eugene Asis. Bagama't binigyan ng panahon ang maaksyong eksena hindi pa rin orihinal ang mababaw na istorya at ang maraming eksenang hindi na kailangan. Nakabawi lang ang pelikula sa bagong bidang si Carlos Morales. Mahusay umarte at nagpakita ng charisma. Maganda ang dialogo, makulay at buhay kaya lang kung minsan ay hindi magandang pakinggan. Ang mahirap paniwalaan sa pelikulang ito ay parang hindi alam ng mga siga at mga batikang hudlum ang mga pamamaraan ng smuggling.

Katulad ng mga action films na kadalasang ipinalalabas, hindi naiiba ang tema ng Onsehan. Maraming eksenang barilan kung saan may nasusugatan at namamatay lalo na sa huling 20 minuto. Pagdating sa aspetong sekswal ang mga ipinakita ay tungkol sa prostitusyon, pre-marital sex at mga babaeng halos walang saplot. Bagamat walang kasalanang di pinagbabayaran, ipinakita sa Onsehan na nahuli at namatay ang lahat maliban kay Ricci na nakuha si Aliya, pamilya at pangarap na pagbabagong buhay na hindi siyang dapat mangyari. Hindi rin dahilan ang magnakaw para matulungan ang magulang na matubos ang lupang nakasanla.

Karamihang ng ating pelikulang aksyon ngayon ay nahuhuli sa mga dayuhang pelikula lalo na sa super thrills na ginagamitan ng high-techvisual at sound effects. Kung walang sapat na budget para pantayan ang dayuhang pelikula, kailangan mag-isip ng mga makabagong paraan sa larangan ng plots,characters at sitwasyon. Sa mga pelikulang gaya ng Onsehan hindi dapat magtaka na ang ating manonood ngayon ay magtiyaga pumila sa dayuhang pelikula na pareho lamang ang oras at bayad.

 

(Date reviewed: July 13, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS