Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

PAGDATING NG PANAHON

Running Time: 

108 min

Lead Cast:

Sharon Cuneta, Robin Padilla, Rufa Mae Quinto, Amy Austria, Rosemarie Gil, Marissa Delgado

Director: 

Joyce Bernal

Producer: 

Vicente G. Del Rosario III

Screenwriter: 

Mel Mendoza-del Rosario

Music:

Raul Mitra

Editors:

Renato de Leon, Joyce Bernal

Genre:

Romance/Comedy

Cinematography: 

Charlie Peralta

Distributor:

Viva Films

Location: 

Laguna, Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + + 

CINEMA Rating:  

For viewers 13 and below with parental guidance

 

Nang mamatay ang Tio Jeting ni Manuel (Robin Padilla) noong wedding night nila ng Tia Miling ni Lynette (Sharon Cuneta), sinumpa ng pamilya ni Manuel ang buong angkan ni Lynette. Ngunit dahil magkababata sila Lynette at Manuel, di maiwasan na sila ay magkausap. Isang araw ay natuklasan nila na pareho pala sila ng pangarap na magka-pamilya at lumigaya sa piling ng kabiyak. Ang tuwa ni Lynette sa maling pagkakaintindi na nag-propose si Manuel, na matagal na niyang crush mula pa ng high school. Mabilis na binalita ni Lynette sa kanyang pamilya na ikakasal na sila, sa laking pagtataka ni Manuel at galit naman ng kanyang pamilya. Sa di sinasadyang pagkakataon ay nalaman ni Lynette na mali pala ang kaniyang akala, na wala palang balak si Manuel na pakasalan siya. Mabilis siyang nagdesisyon na lumuwas ng Maynila upang makalimot, magbago, at hanapin kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa buhay niya.

Napakaganda ang mga kuha sa probinsya: ang kaakit-akit na mga kulay ng kalikasan pati na ang simpleng pamumuhay ng taong bayan. Pangkaraniwan lang ang istorya at talagang madaling hulaan ang kahihinatnan, ngunit ang mga eksena ng hindi pag-unawaan at tampuhan nina Lynette at Manuel ay totoong nakatutuwa pa rin. Napakagagaling at wasto sa kani-kanilang papel ang mga nagsiganap. Hindi nagkamali ang Viva Films na pagtambalin muli ang dati ng matagumpay na tambalan nina Sharon at Robin sa kilig ng kanilang mga fans. Kakaiba talagang kumilos ang mga beteranong artista sampu ng mga supporting cast na dating mga nagniningning na sina Rosemarie Gil, Marissa Delgado, Amy Austria at iba pa. Kahit medyo mataba at masyadong matrona ang dating ni Sharon sa tabi ng napakakinis na Robin ngayon, ay natatabunan na ito ng galing ng kanilang arte at chemistry.

Sa gitna ng maingay at magulong mundo ng pelikula, isang tunay na kakaibang aliw ang handog ng pelikulang ito. Nilalarawan ang simple at mapayapang buhay sa probinsya, ang kasiyahan ng mga tao sa kanilang kinalalagyan at ang kanilang mabababaw ngunit tunay na mga kaligayahan: Katulad ng pagkakaisa ng pamilya, ang pag-unawa at damayan ng isa't-isa sa oras ng saya o pangangailangan. Nandiyan din ang paglaganap ng hanap-buhay kapag sineryoso ang sipag at pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng pamilya.  Ipinamalas din ang mga hindi kanais-nais na eksena katulad ng mabilis na pagkalat ng tsismis, ang paglipana ng di-magandang katotohanan. Sumobra ang pansin na binigay sa mga kalokohan ng mga kabaklaan na hindi naman nakakatawa o nakakatuwa. Salamat na lang at mahiksi ito at namamayani pa din ang nakakaaliw na eksenang komiko. Nakakagalak ang nasisinag na malaking pag-asa para sa industriyang ito, na kayang-kaya pa rin nating gumawa ng pelikulang may kabuluhan at nagbibigay ng malinis na pang-aliw na walang halong seks o kabastusan. 

 

(Date reviewed: November 29, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS