Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

PAREHAS ANG LABAN

Running Time: 

108 min.

Lead Cast:

John Regala, Ian Veneracion, Angela Velez, Daisy Reyes

Director: 

William G. Mayo

Producer: 

Wilson Tieng

Screenwriters:

Wilmer P. Cruz, Evastheo Navar

Music:

Blitz Padua

Editor: 

Ruben Pantua

Genre:

Action

Cinematography: 

Vic Anao

Distributor:

Solar Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nasiraan ng bait at nakulong sa mental hospital ang sundalong si Vergada (John Regala) matapos ang pakikibaka sa Mindanao. Habang nasa ospital, nagbabaga ang pagnanasa nitong maghiganti sa kapwa sundalo niyang si Tenyente Valdez (Ian Veneracion), kaagaw niya sa pagmamahal ni Mildred (Daisy Reyes) na siyang naging asawa ng babae. Balitang "matinik" si Valdez, kaya't siya'y madaling napasok bilang pulis-Maynila na inaasahang tutugis sa mga batikang kriminal at lulutas ng mahihirap na kaso tulad ng bentahan ng droga at armas. Kasama niya sa mga assignment ang ilang tauhan niya, at sila'y napapailalim naman kay Emma Garcia (Angela Velez), ang babeng kapitan. Nakatakas si Vergada mula sa ospital at muling nagtagpo ang kanilang mga landas ni Valdez nang nagsimula si Vergadang pumatay muli ng bawat taong masumpungan nito.  

Sa pagbubukas ng pelikula, tumatagpas ng tenga ng tao si John Regala, sumusumpang papatayin niyang "lahat ang mga traidor", at ikinukwintas nito sa kanyang leeg ang mga tinuhog na bahaging katawan ng tao. Napakagaling ang pagganap ni Regala bilang isang mamamatay-taong nasa takip-silim ng kabaliwan at katinuan. Dahil sa makatotohanan niyang pag-arte, maaaring maitanong mo sa iyong sarili, "Baliw nga kaya siya sa tunay na buhay? Parang hindi lang umaarte…!" Halos ay siya ang nagdala ng buong pelikula. Nakatulong pa rito ang magaling na sinematograpiya kapag sa kanya nakatuon ang kamera: marami siyang close-up shots na nagpapakita ng tindi ng damdaming nasasalamin sa kaniyang mga mata, mukha at pananalita. Masusundan mo ang istorya ng pelikula, kaya't patatawarin mo na lang ang director kung minsan ma'ymayroong mga 'kakornihan' o katatawanang wala sa lugar, o kaya'y mga "butas" sa kuwento. Matabang din minsan ang pagganap ng ibang mga tauhan, at kulang sa liksi ang mga kilos ni Veneracion at Velez bilang mga 'matitinik' na alagad ng batas.

Bagama't maraming madudugong tagpo ang Parehas ang Laban, walang itinuturong kalaswaang sekswal ang pelikula. Bagkus, ipinapakita pa rito na kapuri-puri ang katapatan ng isang lalaki sa kanyang asawa sa kabila ng kanyang pagiging "habulin" ng mga babae. Naaakit si Kapitan Garcia sa guwapo at magaling na si Valdez, ngunit magalang itong isinasa-isang-tabi ng lalaki sa pamamagitan ng madalas nitong pagbanggit sa kanyang pamilya. At sa kabutihan-palad din, iniingatan ng director na ang mangibabaw sa mga eksena ay ang tunay na pagmamahalan ng mag-asawang Valdez at Mildred sa pamamagitan ng pagdiin sa mga tagpong nagpakita ng pag-aalala nila sa kapakanan ng kabiyak. Kahit ang mga 'love scenes' ng mag-asawa'y pino at walang kahayupang ipinakikita. 

 

(Date reviewed September 7, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS