Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

Title:

TIKIM

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Rodel Velayo, Leonardo Litton, Barbara Milano, Allan Paule, John Apacible, Paula Gomez

Director: 

Jose Javier Reyes

Producer: 

Robbie Tan

Screenwriter: 

Jose Javier Reyes

Music:

Jessie Lucas

Editor: 

Ferren Salumbides

Genre:

Sex/Drama

Cinematography: 

Jay Lanao

Distributor:

Seiko Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• ½

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 above

 

Nagsimulang mag-prostitute si Marites (Barbara Milano) sa edad na trese anyos. Bagama't ibinabahay na siya ni Samuel (Allan Paule) na namamahala sa koleksyon ng illegal gambling, kasintahan din niya si Ernie (Rodel Velayo) isang small time na magnanakaw. Isang araw, tinawagan ni Samuel si Marites upang kunin ang bagay na itinago niya sa basurahan. Sa tulong ni Ernie ay natuklasan nila na ang bagay na nakatago ay isang attaché case na may lamang halos isang-milyong piso. Para kay Marites, hulog ito ng langit para iwanan na niya ang pagbebenta ng laman at makapagbagong buhay. Niyaya niya ang dalawa na sumama sa kanya. Nakumbinse ni Marites na sumama si Ernie, ngunit tumanggi si Aris dahil ayaw niya ng gulo tungkol sa pera. Makakamtam kaya ni Marites ang kanyang pangarap, o magtatagumpay ang mga taong nautusan na bawiin ang pera?

May pupuntahan sana ang kwento ng pelikulang ito kung binigyan pansin lamang o hinimay ng mabuti ang pagkakasulat. Halimbawa, sinira ang daloy ng kuwento ng isingit ang mga sex scenes na hindi naman kailangan. Meron ding mga eksena na hindi nadidevelop, tulad nang kung bakit hinanting si Samuel ng mga kalaban at tuluyang napatay. Hindi rin makatotohanan ang pag-arte at ang mga diyalogo na pasigaw pa kung bigkasin. Nakakahilo ang maraming eksena dahil sa magulo at malikot ang kamera.

Sa simula pa lang, eksenang sexual na ang nakikita na lantarang nagpapahiwatig na bold film ang mapapanood. Ito ay nagpapatunay na mga walang patumangging paghuhubad. May eksena ring marahasna naging sobra naman dahil kung tutuusin ay napakabawbaw ng dahilan para bigyang parusa ng ganoong katindi. Maraming sitwasyon din na namumulaklak ang paggamit ng salitang bulgar at bastos. Kung may nais mang iparating na values, gaya ng mabuting relasyon ng magpinsang Ernie at Aris, ay natabunan na ito ng mga nabanggit na negatibong bagay. Kasama na rito ang kawalan ng tamang hustisya sa mga taong gumagawa ng masama. Gusto mang magbigay nang magandang asal, ngunit naging malabo ang mensahe na ang pagkita ng madaliang pera ay wala namang kahihinatnang maganda. 

 

(Date reviewed: November 29, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS