Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

TRIP

Running Time: 

101 min

Lead Cast:

Kristine Hermosa, Jericho Rosales, Marvin Agustin, John Pratts, Heart Evangelista, Desiree del Valle, Onemig Bondoc, Paolo Contis, Julia Clarette

Director: 

Gilbert Perez

Producer: 

Tess V. Fuentes

Screenwriter: 

Enrico Santos

Music:

Jesse Lucas

Editor: 

Vito Cajili

Genre:

Comedy

Cinematography: 

Ricardo Jose Trofeo

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Manila and Kaliraya

Technical Assessment: 

• • • ½

Moral Assessment: 

+ + + +

CINEMA Rating:  

For viewers 13 and below with parental guidance

 

Isang barkadang teenagers ang nagbabakasyon sa Kaliraya. Sa gitna ng kanilang maligayang paglalaro't biruan, ay lumitaw ang mga ilan nilang problema. Ang lider ng grupo na si Joboy (Marvin Agustin) ay tinawagan ng kanyang ina na dahil sa hindi sila nakakabayad sa apartment, ay pinashe-sheriff na sila. Si Celine (Kristine Hermosa), sa pag-uwi sa probinsya, malaking tuwa ng nakita muli ang kababatang mahal na si Erwin (Jericho Rosales), ngunit ito'y nag-asawa na pala. Nang magdalang-tao si Ola (Desiree del Valle) ay di niya ito maipagtapat sa kanyang boyfriend na si Louie (Onemig Bondoc). Dahil naman sa isang Simeon ay nagkaselosan ang magsyotang Athan (John Pratts) at Faye (Heart Evangelista), ngunit di lang nila matiyak kung sino talaga ang napupusuan ni Simeon—si Faye ba o si Athan? Kaya bang harapin at hanapan ng solusyon ng mga batang ito ang kani-kanilang mga suliranin?

Uma-apaw sa sinehan ang masayang halakhakan ng lahat ng manonood, maging bagets o forgets. At umu-ugong din naman ang pagkilig-to-death ng mga kabataan, pati na ang mga gurang na fans, tuwing masusulyapan kahit na anino lamang ng crush-ng-bayang si Jericho Rosales. Magagaling ang mga nagsiganap, lalo na ang mga kabataan na napakanatural ang kilos at diyalogo hindi lang sa kanilang mga kalokohan, kundi pati sa kanilang mga seryosong eksena. Maganda ang mga kuha sa Kaliraya, isa na namang paraisong maipagmamalaki ng ating bayan.

Nakalulungkot ang makatotohanang mga problema ng ating mga kabataan ngayon na isinalarawan ng Trip: mga hiwalay na magulang, mga anak ng kabit, ang dalagang-ina, ang may mga hilig sa kapwa lalaki o kapwa babae, at mga pagseselos ng wala namang kadahilanan. Naipakita din naman dito ang magandang samahan at tulungan ng barkada, pati na ang mga tamang payo na solusyon. Katulad ng pagbibigay ng tulong ni Louie sa kanyang matalik na kaibigang si Joboy para huwag silang mapaalis sa kanilang tirahan, ang payong huwag ipalaglag ang walang malay na dinadala ni Ola, at ang pakikiusap ni Joboy sa ina ni Louie na layuan na ang kongresistang sumusustento sa kanila. Ito'y mainam na mapanood ng mga magulang at mga anak, lalo na iyong may mga katulad na dinadalang hirap at kalungkutan sa buhay. Maganda din itong pagpapaalala na ang buhay sa mundo ay hindi maaarng puro good-time at pagtritrip lamang. Binabati naming lahat na may kinalaman sa kakaibang pelikulang ito—na kahit walang pinakitang sex o violence ay totoong malaking kasiyahan ang idinulot nito sa maraming dumagsang manonood. 

 

(Date reviewed: November 9, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS