Technical Assessment

Abhorrent

• •

Disturbing

• • •

Acceptable

• • • •

Wholesome

• • • • •

Exemplary

Moral Assessment

+

Poor

+ +

Below average

+ + +

Average

+ + + +

Above average

+ + + + +

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

WEYT A MINIT - KAPENG MAINIT

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Janno Gibbs, Blakdyak, Geneva Cruz, Angela Velez

Director: 

Ben Feleo

Producer: 

Vic del Rosario III

Screenwriter: 

Ben Feleo

Music:

Jimmy Fabregas

Editors:

Rene Tala

Genre:

Comedy

Cinematography: 

 

Distributor:

Viva Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ + 

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Mga weyter sa restawrantang magkaibigang si KC (Janno Gibbs) at Michael (Blakdyak). Nasaksihan nila ang isang enkuwentro ng mga underworld characters kung saan ay pinatay ng walang laban ang isang grupo. Dahil nasaksihan nila ang massacre,ang mga tinugis ay nagsumbong sa pulisya at nadiskubreng kakuntsaba pala ng mga haragan ang mga corrupt na pulis. Nagpasya ang magkaibigang magpanggap na mga babae at nag-apply sa isang ahensya na nagpapadala ng mga entertainers sa Japan. Dito nila nakilala si Joy (Geneva Cruz) at Christy (Angela Velez) na nais ding makipagsapalaran sa Japan. Paano nila matatakasan ang mga humahabol upang mabigyang katuparan ang kanilang damdamin para sa mga dalaga?

Narito na naman ang isang comedy na binihisan ng sex at aksyon para lang kumita sa takilya. At hinaluan pa ng rural setting para mapalambot ang mga eksenang marahas at malaswa. Ang paggawa ng ganitong pelikula ay isa na bang palasak na ritwal sa mga prodyuser? Walang kwenta ang plot, pero base sa tawanan ng mga tao sa sinehan, nabili pa rin ito ng mga manonood. May kinabukasan si Janno Gibbs bilang comedian, huwag lamang siyang mabaon sa Slapstick comedy. May pangalan na si Geneva Cruz sa larangan ng pagkanta, pero bakit niya pinasukan ang ganitong klaseng pelikula? Ang pagsama kay Mystica sa pelikula ay nagpababa ng moralidad ng kuwento. Sa isang banda, maganda ang lightingat sinematograpiya.

Sa kabila ng lahat ng bakbakan, barilan, at malalaswang seks scenes, mayroong mga gintong aral na puwedeng ibigay ang kuwento, subali't ang mga ito ay natabunan pagka't binigyan diin ang napakaraming eksena sa seksat violence. Halimbawa, nagtagumpay ang hustisya sa bandang huli nang dakpin ang mga nagkasala, subali't nangibabaw lagi ang bala ng baril at lakas ng kamao. Walang makikitang aktwal na sexacts at pagpapakita ng mga maseselang bahagi ng katawan, ngunit very suggestive ang diyalogo at eksena na may kinalaman sa erection, mga aninong pagtatalik, at mga sayaw na erotika. Ang seksay dapat tratuhin at tignan ng may paggalang pagka't ito ay bahagi ng buhay na dapat gamitin sa tamang pamamaraan. Ngunit bastos ang treatment sa sekssa kwentong ito. Hindi matuturuan ang mga bata sa tamang pagtingin sa sex kung sila ay papayagang manood ng ganitong pelikula.

 

(Date reviewed: November 16, 2001)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS