Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

ITLOG

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Rodel Velayo, Allona Amor, Winston Elizalde, Celso Ad Castillo, Diana Zubiri

Director: 

Francis "Jun" Posadas

Producer: 

Robbie Tan

Screenwriter: 

 

Music:

Bienvenido Medina

Editor: 

Ferren Salumbides

Genre:

Sex-drama

Cinematography: 

Romeo Vitug

Distributor:

Seiko Films

Location: 

Rizal

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Sa kabila ng sapilitang pagpapakasal kay Tonio (Celso Ad Castillo) na malaki ang tanda sa kanya, sinikap ni Sally (Diana Zubiri) na maging isang mabuting asawa. Nang ampunin ni Tonio ang estrangherong ex-convict na si Dennis (Winston Elizalde) na nagligtas sa kanyang buhay,napukaw ang damdamin ni Sally para sa binata. Samantala, nilustay ng nag-iisang anak na si Eric (Rodel Velayo), anak ni Tonio, ang salaping ninakaw sa ama nang siya ay maglayas. Hinimok ng kasintahang si Leah (Allona Amor) na bumalik sa ama at humingi ng tawad si Eric, ngunit ito'y para lamang makuha na nila ang yamang mamanahin ng binata. Sa napakagandang duck farm ni Tonio nagkasama-sama ang lima at naganap ang mga hindi inaasahan.

Kay gandang tanawin at unawain ang pagpapatakbo ng isang duck farm sa Rizal na epektibong isinalarawan sa pelikula ng ace photographer na si Romeo Vitug. Subalit anumang ganda ng sinematograpiya o mensahe ng pelikulang Itlog ay nalalambungan ng temang KKK – kalaswaan, kasakiman at karahasan, ang mga elemento ng kasamaan na sumisira sa buhay ng isang tao. Meron itong adultery, live-in arrangement, thievery, murder, alcoholism. Maraming sigawan at higit  na maraming hubarang hindi naman kailangan ng istorya. Gandang Pilipina si Diana Zubiri at mukhang may ibubuga sa pag-arte. Sayang lang at pinili niya ang daan sa mabilis na pagsikat at pagkakakitaan: ang paghuhubad.

Mayroon bang masasabing maganda sa pelikulang Itlog? Ang mga Itik! Kaaya-aya silang tingnan. At sa pelikula? Ang magandang aral ng katapatan sa pagbabagung-buhay na nasasaad sa papel ni Erik. Ipinakikita ng pelikula na hindi nagtatagumpay ang kabuhungan kailanman. Sa malas lamang, maaaring matabunan ang magandang mensaheng ito ng makamundong eksena. Ipinagtataka ng CINEMA kung paano "nakakapasa" na ngayon ang frontal nudity sa ating mga pelikula. Ganoon na ba tayong kaluwag sa ating mga ipinalalabas sa ngalan ng "sining"? Bakit kailangang ang paghuhubad ang maging "pagbibinyag" sa mga batang artistang babaeng meron namang ibang katangiang ipagkakaloob? Tila yata hindi titigil ang ilan sa mga prodyuser sa layuning lumikom ng salalpi sa pamamagitan ng malalaswang pelikula. Inaasahan  namin na ang karaniwang manonood ay magiging higit na mapanuri sa pamimili ng mga pelikulang panonoorin.

 

(Date reviewed: April 5, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS