Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

ANG GALING-GALING MO BABES

Running Time: 

109 min

Lead Cast:

Joyce Jimenez, Albert Martinez, Marcus Madrigal, Ruby Moreno, Lester Llansang, Perla Bautista, Jenny Roa

Director: 

Ed Palmos

Producer: 

Rowena Mendiola

Screenwriter: 

Ed Palmos

Music:

Wally Yusi

Editor: 

Rudy Cabrales

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Richard Paderal

Distributor:

Imus Production

Location: 

Zambales/Japan/Manila

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+

CINEMA Rating:  

Not for public viewing

 

Si Babes (Joyce Jimenez), rape victim ng sariling ama, ay nag-Japayuki sa Japan at nagpapadala na lang ng sustento sa mahal niyang nakababatang kapatid na si Jess (Lester Llansang). Dahil pinagaawayan siya ng mga lalake, nagdesisyon si Babes na umuwi na. Ngunit napinsala siya sa isang aksidente, nangailangan ng plastic surgery, at umuwing bago na ang mukha. Nagtrabaho muli siya sa isang club sa Maynila, kung saan siya naging no.1 prosti, ang tanging kinababaliwan ng lahat ng mga kalalakihan. Iniregalo si Babes ng isang Congressman sa kanyang pamangkin bilang graduation gift. Pagkatapos masilip ni Philip (Marcus Madrigal), isa sa barkada ng pamangkin, ang mainit na pagtatalik ng dalawa, ay sumingit ito at nakipagromansa rin kay Babes, at sa sobrang pagkabaliw sa babae ay niyayang pakasalan ito. Sa akala ni Babes na ito na ang hulog ng langit para sila ni Jess ay mabuhay ng disente, siya'y pumayag naman kaagad. Wala siyang malay na pa-Saudi na pala si Philip kinabukasan. Dahil walang simpatiya ang mga tiyahin ni Philip kay Babes, nagsimula na dito ang mahaba niyang matinik na kalbaryo.

Ang Kay Galing ay kuwento ng isang sex goddess, hindi dahil siya ay kaakit-akit o sexy, kundi dahil napakagaling niya sa kama. Maganda sana ang simula, maging ang mga kuha at tugtog, nang ikuwento ni Babes ang buhay niya, lalo na ang diskarte tungkol sa nakakainggit na pagkakaibigan nila ni Vicky (Ruby Moreno). Ang manonood ay naging sabik sa patutunguhan ng istorya, ngunit nauwi lang sa malaking kabiguan sa isa na namang walang kabuluhang pelikula na maraming komplikasyon at mga tanong na naghahanap ng kasagutan. Ang mga pangunahing nagsiganap, tulad ni Albert Martinez at Joyce Jimenez, na tanyag na mga artista, ay magaling ang pagakakaganap sa papel nilang mga sex maniac, ngunit di kaya nasayang ang kanilang mga talino sa ganitong walang katuturang pelikula?

Hindi kataka-taka na pinahirapan ang Ang Galing na makalusot sa MTRCB. Dito nilarawan ang pagyurak sa pagkatao ng mga nilalang, at ang pagkawala ng dignidad ng babae at lalake. Ng dahil sa sex, ang lalake ay naging hayop sa kalupitan, at ang babae naman ay naging mahina at nagpaalipin pa dito. Walang mapisil na kabutihan dito kundi pawang lagim ng pagnanasa. Kung ang pelikula ay malakas ang impluwensya sa manonood, baka wala ng hanapin pa ang manonood, maging babae o lalake, kundi idiyosa ang magagaling sa kama. Ang magandang huling pananalita bilang pangwakas ay hindi sapat para matakpan ang isang pelikula na punong-puno ng sex, hubaran, kalaswaan, prostitusyon, sadismo, murahan at iba pa.

 

(Date reviewed: August 2, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS