Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

GAMITAN

Running Time: 

120 min

Lead Cast:

Maui Taylor, Wendell Ramos. Patricia Javier, Jordan Herrera

Director: 

Quark Henares

Producer: 

Vic del Rosario III

Screenwriter: 

Quark Henares

Music:

Dennis Garcia

Editor: 

Tara Illenberger

Genre:

Drama

Cinematography: 

Jun Pereira

Distributor:

Viva Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Kilala sa campus ang pagiging playboy ng basketball star na si Nick (Wendell Ramos), bagama't tinutudyo ito ng barkada na ang kaya lamang niyang "ikama" ay ang mga babaeng tulad niya na "mahihilig." Nagpustahan ang barkada ni Nick na hindi nito mahihimok ang birheng si Cathy (Maui Taylor) upang isuko sa binata ang kanyang virginity. Si Cathy ay isang freshman sa kolehiyo na kilalang matalino na ay matino pa, at hindi katulad ng kanyang ateng playgirl na si Diane (Patricia Javier).  Tinanggap ni Nick ang hamon, at pagka't tagahanga ni Nick si Cathy, hindi nahirapan ang binatang paamuin ang dalaga at makuha ang pinagpustahan.  Napuno ng galit at paghihiganti ang puso ni Cathy nang siya'y "ibasura" na lamang ni Nick kinabukasan. Sa pamamagitan ng panunukso at pang-uuto kay Louie (Jordan Herrera)—kaibigan at kaklase ni Cathy na matagal nang may pagtingin sa dalaga—ay naisagawa nito ang sukdulang paghihiganti kay Nick. 

Tulad ng karamihan sa mga pelikulang "bomba", mukhang pinag-abalahan talaga ang mga eksena sa kama dito, ngunit pinabayaan naman ang iba.  Halimbawa, mahahaba at detalyado ang eksenang kama, maingat sa lighting, sounds at cinematography; ngunit mahihilo ka naman sa likot ng kamera at mabibingi ka sa lakas ng bunganga ng mga karakter sa mga eksena sa paaralan.  Bagama't pasable na rin ang direksiyon (na lumutang sa pagganap ni Herrera at Ramos sa banding huli), napakarupok naman ng karakterisasyon—nagmukha tuloy isang istorya lamang ito ng apat na tauhang pare-parehong may sira sa ulo, sa halip na isang kasaysayang may pahatid na gintong aral sa kabataan.  Sayang, sapagka't kung ibabatay lamang sa reaksiyon ng mga binatang nanood ng pelikula noong unang araw ng paglabas nito, ang nananatili sa isipan ng manonood ay ang mga hubaran lamang; tila walang nakapuna sa mga aral na napapaloob sa kuwento.

Sadyang karumal-dumal ang kapalarang sinapit ng mga kabataang ito gawa lamang ng isang pagkakamaling nagmula sa isang walang kakuwenta-kuwentang laro.  Ngunit maraming katanungang dapat sana'y nailabas ng Gamitan kung ninais lamang ng manunulat o direktor nito, mga bagay na dapat ay masusing pinag-iisipan ng mga kabataan sa ngayon.  Isa na rito ay ang kahalagahan ng virginity sa isang babae. Ang kahulugan ng sex, ng kalinisan, ng pananagutan, ng pagpapaka-lalaki sa mga kabataan ngayon.  Ang masamang naibubunga ng impluwensiya ng barkada o kapatid na nakatatanda. Ang pagkabulag sa pagmamahal na nagbubulid sa tao sa kapahamakan. 

 

(Date reviewed: August 23, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS