Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

HALIK SA AKING LUPA

Running Time: 

95 min

Lead Cast:

Allona Amor, Jeffrey Santos, Venus Varga, Raffy Anido, Zoltan Amore, Allan Gilbert, Razelle Angela

Director: 

Jett C. Espiritu

Producer: 

Allan Gilbert

Screenwriter: 

Jett C. Espiritu

Music:

Willy Yusi

Editor: 

Nap Montebon

Genre:

Sex-Drama/Action

Cinematography: 

Boy Anato

Distributor:

ATB-4 Films International

Location: 

Baguio, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Bilang isang policewoman, maraming pagkakataon na nanganib ang buhay ni Leonora, (Allona Amor) sa mga kamay ng mga kriminal na kanyang tinutugis. Ang pinakasukdulan ay nang pinatay nila ang kanyang buong pamilya – asawa, magulang at kapatid. Ang gumawa nito ay si Cobraga (Jeffrey Santos) na ibig ipaghiganti ang kamatayan ng kanyang kambal na si Vibora, isang drug lord. Ang massacre na naganap sa harap mismo ni Leonora ay matinding tumimo sa kanyang katauhan at ipinangako niya na kailangang pagbayaran nila ang nangyari. Paano niya masusukol ang mga bandidong ito? Hindi ba niya bibigyang halaga ang payo ng kanyang kasintahang si Froilan (Raffy Anido)?

Isa itong action flick na may anim na mahahaba at maiinit na bed scenes at kung titignan ang kabuuan ng kuwento, hindi naman kailangang isama ang mga ganitong eksena. Simple lang ang dahilan ng estilong ito: pang-akit sa mga manonood na kalalakihan ang sex scenes lalo na sa presensya ni Allona Amor! At upang makalusot sa "gunting" ang sex at karahasan, sinamahan ng mga rural scenes na pangpa-kalma kung ikaw ay humihingal na sa panonood! Masaydong magalaw ang kamera, hindi maiwasang mahilo o sumakit ang ulo ng manonood. Sa kuwento, si Allona ay super –galing sa kanyang pakikipaglaban sa mga bandidong kaaway – barilan, suntukan, karate, habulan – para siyang pinagsamang FPJ at Jess Lapid na hindi nasusugatan, hindi tinatamaan ng bala o nagagalusan man lang. At take note, nakipagsagupaan siya na nakahubad!

Walang karapatan ang policewoman na si Leonora na ilagay ang batas sa kanyang mga kamay, lalo na kung ang motibo niya ay ang ipaghiganti ang kanyang mga minamahal. Ang galit na umiiral sa kanya ay pagnanais pumatay at maghiganti. Kailangan pa bang i-torture ang mga maysala bago sila patayin? Dapat ba silang patayin kaagad o puwede namang dumaan sa proseso ng hustisya? Tama bang isalang ang kalinisan ng iyong katawan upang makapaghiganti? Kailangan pa bang idamay ang mga inosente tulad ng buntis na si Ester? Ipinakita sa pelikula ang isang aspeto ng buhay-pulis na hindi nagbibigay ng tamang hustisya at nagpalaganap ng kapayapaan. Ito ba ang tunay na larawan ng kasalukuyang police force natin na nais na ipakita sa manonood? Paano natin maigagalang ang mga pulis kung ito ang isinasaad na mensahe? Bakit hindi natin ipakita ang kanilang mga kabayanihan at pagmamahal sa kanilang katungkulan at paggalang sa human rights ng iba?

 

(Date reviewed: February 15, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS