Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

HESUS REBOLUSYONARYO

Running Time: 

112 min

Lead Cast:

Mark Anthony Fernandez, Donita Rose, Joel Lamangan, Ronnie Lazaro, Pinky Amador, Ricardo Cepeda, Orestes Ojeda, Marianne de la Riva

Director: 

Lav Diaz

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Lav Diaz

Music:

The Jerks

Editor: 

Ron Dale

Genre:

Action/Drama

Cinematography: 

Romulo Araojo

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Tanay and other provincial cities

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Ang taon ay 2011, at sa bayang Pilipinas ay lumaganap na ang dilim ng gabi. Napailalim ang bayan sa isang hunta militar na pinamumunuan ng isang bakal na kamay na si Hen. Rocellos (Lawrence Espinosa). Hawak niya sa leeg ang media. Mahigpit ang curfew, at walang tigil ang pagtugis at pagpatay sa mga rebelde, sampu ng mga nadadamay na walang kamuang-muang na sibilyan. Laganap ang pagtutol at ligalig sa buong kapuluan. Isang bahagi ng militar ang nakipag-ugnayan sa mga underground na rebolusyonaryo sa kanilang hangad na mapatumba ang diktadura. Isa sa mga pinakamagigiting na rebolusyonaryo ay si Hesus Mariano (Mark Anthony Fernandez). Upang makasiguro sa pagligpit ng "uod" sa kanilang selda, naatasan si Hesus na patayin lahat ang mga matatalik niyang kapatid sa digmaan. At dito nagsimula ang pag-aalinlangan at kabiguan ng isang rebolusyonaryong puno ng ideyalismo. Ganito ba talagang kahirap ang daan patungo sa kalayaan?

Batay sa saligan ni Lav Diaz (ang sumulat at direktor ng pelikula), ganito ang ating kahihinatnan kapag di nagbago ang takbo ng ating pamahalaan, isang madilim na senaryong matagal nang pinag-uusapan at kinakatakutan ng marami. Maaring kakaiba ang style ni Direk Diaz, ngunit sa karamihan ng kanyang gustong ipahiwatig, kung magkaminsa'y nagiging malabo ang istorya. Maganda ang mga kuha at angkop ang musika pati na ang makabuluhang tula na ginamit sa background, ngunit totoong napakabagal ng takbo ng pelikula lalo na sa umpisa. May ilang ligaw na eksena at simbolismo, na maaari sanang naiayos sa mas masusing editing. Magagaling ang mga supporting stars kahit na sa kanilang maiikling eksena. Si Fernandez ay isang promising star, ngunit sa kanyang mabigat na papel na isang magaling na mandirigma, pilosopo, makata at musikero, kulang pa sa apoy ang dating niya.

Maganda ang paglalarawan ng pagmamahal sa bayan, isang katangian na kulang ang karamihan ng ating mga kababayan. Pinakita ang mapupusok na mga rebolusyonaryo sa kanilang paglaban sa pagkakagapos ng isang diktador, ngunit kung minsan dala ng kanilang kapusukan ay di na nila natanto na mali na ang kanilang ikinikilos, katulad ng pagpapatay ni Hesus sa kanyang mga kasamahan, na labag sa kanyang kalooban. Ito ay maaaring di maunawaan ng mga murang isipan. Ganoon din ang napakaraming patayan na hindi naman lahat sa ngalan ng kaligtasan at kalayaan. Mas masakit ang pinamalas na patayang bunga ng pagtataksil at pagwawalang tiwala sa isa't isa. Malungkot na minumuni-muni ni Hesus ang hirap at kabiguan niyang dinadanas sa pagtupad ng layunin ng samahan. Ang sabi nga sa aklat na Dare to Fail, "Walang sinumang tao ang nagkamit ng makabuluhang tagumpay nang di muna nabingit ang isa sa kanyang mga paa sa bunganga ng kabiguan". Sa kabila ng lahat, ay di nawala ang pag-asa ng mga rebolusyonaryo na sa kadiliman ng ngayon, ay dadating din ang liwanag ng bukas.

 

(Date reviewed: February 8, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS