Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

HINOG SA PILIT, SOBRA SA TAMIS

Running Time: 

97 min

Lead Cast:

Halina Perez, Allen Dizon, Paolo Rivero, Monina Perez, Sydney Segovia

Director: 

Rico Tariman

Producer: 

Cesar Aquino, Angelina S. Conferido

Screenwriter: 

Dennis Evangelista

Music:

 

Editor: 

Ben Samson

Genre:

Sex Drama/Fantasy

Cinematography: 

Roger Barreto

Distributor:

Leo Films

Location: 

A resort in the province

Technical Assessment: 

˝

Moral Assessment: 

+ ˝

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Malaki ang paghanga at inggit ng walong taong si Laila (Monina Perez) sa kanyang Ate Diana (Halina Perez)—ang seksing beauty ng bayan na may nobyo na. Kaya wala siyang pinangarap kungdi maging dalaga na kaagad at nang maari na niyang gawin ang anumang ginagawa ng ate niya. Isang araw na di siya pinayagang sumama sa ate niya sa party, tumakas siya at nakipag-party pa din. Napagalitan siya at naglayas. Hiniling niya sa diwata ng mahiwagang balon na magkatotoo na ang matagal na niyang minimithi. Pinagbigyan naman siya nito at nagkaroon siya ng katawan ng isang labing-walong taon, bagama't taglay pa rin niya ang kanyang walong taong isipan at kilos. Napaibig ng bagong Laila ang crush niyang si Dr. Manny (Paolo Rivero). Ano naman kaya ang patutunguhan ng ganitong relasyon?

Sa aspetong teknikal, ay pangkaraniwan lamang ang ipinakita ng pelikula. Maaaring maganda ang concept ng sumulat, ngunit hindi kagandahan ang kinalabasan. Malabo ang pagkakaugnay-ugnay ng ilang eksena, at maraming katanungan na naghahanap ng kasagutan. Mahina ang direksiyon at may kahinaan din ang mga nagsiganap.

Isang malaking palaisipan kung ano bang talaga ang gustong ipahiwatig ng pelikulang ito. Nandiyan ang kaputol na aral tungkol sa seks, pagkakaibigan, at pamilya na pawang mukhang isiningit lamang upang pilit bigyan ng kahit na kaunti man lang kabuluhan ang istorya. Ngunit ang maliwanag na katotohanan ay ang pagbibigay diin sa uhaw sa seks at alak ng mga babae at lalaki. Maraming ipinamalas na graphic sex scenes, sex outside marriage at papalit-palit ng kapareha. Ganoon din ang paglalantad ng mga nagpipintugang dibdib ng mga artistang babae kahit di naman totoong kailangan—bagama't nagagamit na pang-akit sa manonood na ganyan ang hilig at hinahanap. Walang mapupulot na aral dito, bagkus ay nagbibigay pa ng napakasamang impluwensiya sa mga kabataan. Isa na namang pagwawaldas ng panahon ng mga gumawa ng pelikulang, lalo na ng manonood. May katuwiran ang ilang manunuri ng MTRCB maghusga sa unang review na hindi dapat ipalabas ito.

 

(Date reviewed: February 22, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS