Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

BUKO PANDAN

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Pyar Mirasol, Maricar de Mesa, Tonton Gutierrez, Paolo Rivero

Director: 

Uro Q. dela Cruz

Producers:

Gee Galang, Ms. Jojo Galang

Screenwriter: 

Uro Q. dela Cruz

Music:

Blitz Padua

Editor: 

Randy Brien

Genre:

Drama-mystery

Cinematography: 

Johnny Araojo

Distributor:

World Arts Cinema

Location: 

Laguna

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nang maulila, si Bining (Maricar de Mesa) at si Esper (Pyar Mirasol) ay inalagaan ng kanilang Inana o lola (Lucita Soriano). Isang tahimik at maralitang buhay ang kanilang nakagisnan at laki sila sa pangaral at kagandahang-asal. Kababata nila si Miguel (Paolo Rivero) na umiibig kay Esper. Dumating si Louie (Tonton Gutierrez) mula Maynila upang ang lupaing iniwan ng ama ay gawing isang resort. Kinailangang gumawa ng daluyan ng tubig mula sa bukal na katabi ng dampa nila Bining. Nagseselos ang kasintahang si Hazel (Nicole Noble) dahil malapit si Louie sa magkapatid. Naakit ang mapusok na si Esper sa binata at nagkaroon sila ng minsang pagtatalik na hindi nalingid kay Bining. Isang gabi, natagpuan ang bangkay ni Louie sa bahay nito. Sino ang may mabigat na motibo para patayin siya?

Kahanga-hanga ang mga eksena sa Buko Pandan na gawa ng isang magaling na sinematogropiya. Masisiyahan ka sa piling location sa Laguna. May buhay ang bawat tanawin. Ang mga kaugalian, pagpapahalaga at tradisyon ng mga Pilipino ay isinabuhay sa kuwento. Kinilala si Uro de la Cruz sa kanyang kakayahan bilang direktor sa pelikulang Bahay ni Lola nitong nakaraang Manila Film Festival. Muli ay napatunayan niya ito sa Buko Pandan. Pansinin din na siya ang sumulat ng kuwento na epektibong naisalin sa pelikula (screenplay). Samantala, kung pupunahin ang mga posters at advertisements ng pelikula, tila sinasabi na isa itong bold film. Subalit kapag tinignan ang kabuuan ng pelikula, ito ay pinagsamang drama at mystery na bumuo ng isang magandang kuwento. Kaya lang hindi na ba titigil ang mga prodyusers na akitin ang mga manonood sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mahahabang sex scenes?

Isinalarawan sa kuwento ang mga kahinaan ng tao na nagtutulak sa kanya sa kasalanan. Ang magandang pangarap ay napalitan ng mga paghanga at nauwi sa pagnanasa sa laman. Ang simpleng buhay ay tinapatan ng mga nakalalasing na bagay sa mundo. Sana naman ay binigyang-diin ang solusyon sa mga kagipitang dinaranas ng isang tao, lalo na ng isang maralita. Maganda ang namamagitang damayan at pagmamahal sa dalawang magkapatid. Handa silang magsakripisyo para sa isa't-isa. Magandang halimbawa, pero ang tanong ng Panginoon ay ganito: "Handa ka bang mamatay para sa iyong minamahal?", at hindi "Handa ka bang pumatay para sa iyong minamahal?"

 

(Date reviewed: January 18, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS