Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

SAPAGKAT KAMI AY TAO LAMANG

Running Time: 

160 min

Lead Cast:

Allona Amor, Mon Confiado, Jeffrey Gonzales, Pam Gonzales

Director: 

Angelito J. De Guzman

Producer: 

 

Screenwriter: 

Angelito J. De Guzman

Music:

 

Editor: 

 

Genre:

Drama

Cinematography: 

 

Distributor:

Taurus Films International

Location: 

Bataan

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For matureviewers 18 and above

 

Isang marangya at masaganang buhay ang nakalakihan ng magkakapatid na si Alyssa (Allona Amor), Mila (Pam Lacson) at JR (Bryan Liwag). Subalit nang mamatay ang kanilang ama at namalagi ng matagal sa ospital ang ina, namuhay sila sa kahirapan. Ibig niyang gumaling ang ina at patuloy na makapag-aral ang dalawang magkapatid kaya't napilitan ang panganay na si Alyssa na mamasukan bilang sexy dancer sa isang club. Dahil hindi sanay sa kahirapan, napariwara si Mila at JR na naging dahilan upang magkahiwalay ang tatlo. Samantala, tanggapin pa kaya si Alyssa ng kababatang si Mike (Mon Confiado) kahit nalulong na siya sa kasalanan? Makakapiling pa kaya niya ang mga kapatid?

Ang "Sapagkat…" ay isang lumang tema ng pelikulang Pilipino na pwede mong ikuwento sa apat na kataga: Napakayaman, Naghirap, Nagkasala, Nagsisi. Dahil ang apat na "N" ay isa nang gasgas na kuwento ng buhay ng Pilipino, binalutan ito ng direktor ng napakaraming sex scenes upang kumita sa takilya, isang paulit-ulit na pormula ng mga prodyuser na hindi maasahang gumawa ng quality films. Baguhan ang mga gumanap sa pelikula na marahil ay may ibubuga kung makasining sana ang pagdidiribe sa kanila at hindi typecasted sa malaswang kuwento. Mayroon bang maipagmamalaki ang pelikula sa bahaging teknikal? Ang maaari lang banggitin ay ang mga pahapyaw na eksena ng tanawin sa probinsya!

Isang tipikal na buhay Pilipino ang inilalahad ng "Sapagkat…" isang pelikulang nakasentro sa family life. Maganda ang tinalakay na kuwento pero hindi binigyan diin ang nararapat na solusyon sa hirap na dinanas ng bawat tauhan ng kuwento. Mayroong pagsisisi at pagpapatawad sa bandang huli subalit natabunan ang mensaheng ito ng namumukod na sensuality sa kuwento. Totoong walang perpektong pamilya dahil maraming pagsubok sa buhay. Subalit ang kahirapan ay hindi nalulutas sa pamamagitan ng paglusong sa putikan upang doon hanapin ang solusyon. Ang pag-asa ay laging ipinagkakaloob ng Diyos at ang wastong lunas sa ating kahirapan ay nakasalalay sa ating tamang pagharap sa pagsubok at pagtayo kapag tayo ay nadapa. Hindi ba't puwede namang maiwasan ang malulong sa droga, ang maging isang prostitute, ang makipagtalik sa mga homosexuals, ang pre-marital sex at ang pamamaraan ng euthanasia?

 

(Date reviewed: January 11, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS