Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

KAPALIT?

Running Time: 

106 min

Lead Cast:

Alma Moreno, Victor Neri, Jay Manalo, Michelle Quizon, Boots Anson Roa

Director: 

Mel Chionglo

Producer: 

Ani de los Reyes

Screenwriter: 

Roy Iglesias

Music:

Gerard Salonga

Editor: 

Jess Navarro

Genre:

Love-Drama

Cinematography: 

Romulo Araojo

Distributor:

Maverick Films

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Dalawang araw bago mag-migrate sa Amerika ang mag-asawang Rebecca (Alma Moreno) at Edwin (Victor Neri), ng nabangga ang minamanehong sasakyan ni Edwin. Naputol ang kaniyang dalawang paa at namatay ang kaniyang kasamang babae na si Violeta (Michelle Quizon). Nang binigay ng hospital ang mga gamit ni Edwin kay Rebecca, dito niya nadiskubre na matagal na palang may relasyon sina Edwin at Violeta. At ganoon din ang natuklasan ni Vincent (Jay Manalo), na asawa ni Violeta. Parehong walang kamalay-malay sina Rebecca at Vincent sa pagtataksil ng kanilang mga asawa. Kapwa sila nag-inbestiga at dito sila nagkakilala at nagkadamayan. Dahil napagbili na nina Edwin ang kanilang bahay, napilitan silang makitira sa mama ni Edwin (Boots Anson Roa), ang biyenan na matagal ng may galit kay Rebecca dahil sa hinalang pinikot lang nito si Edwin ng siya'y nabuntis nito. Ang gusto ng biyenan ay tanging siya lamang ang mag-asikaso sa anak, hanggang sa hindi na makalapit o maka-usap ni Rebecca ang asawa. Sa sama ng kaniyang loob, ay naging takbuhan niya si Vincent. Tama ba at ano kaya ang kahihinatnan ng kanilang magiging pagkamalapit sa isa't-isa?

Maaaring maganda ang istoriya, bagamat may ilang yugto na malabo st naghahanap ng kasagutan. Mahusay ang direksiyon at magagaling ang mga nagsiganap, ngunit sa kabuuan, ay napakabagal ang daloy ng kuento, tulad ng sina-unang mga melodrama ng LVN at Sampaguita Pictures. Magandang comeback vehicle ito para kay Alma Moreno, mahusay at mahinahon ang kaniyang pag-arte, kahit muling ginamit ng prodyuser ang mga pangyayari sa tunay niyang buhay, bilang come-on sa manonood. Magaling ang pagkakaganap ni Boots Anson Roa sa kakaiba niyang papel na isang naturingang 'bruhang bienan.'

Ang Kapalit? ay isang kuwento ng pagtataksil. Kahit na anong ganda ng pagkakagawa ng istorya, at sabihin na nga natin na tila laganap na nangyayari ito sa panahon nating ngayon, hindi pa rin tama ang magtaksil. Totoong napakatindi ng pagsubok na dumating kay Rebecca, subalit sa kabila ng lahat, mahal pa rin niya si Edwin at ginawa niyang lahat ang makakaya niya para ibalik ito sa mundong tinalikuran niya. Naging mas maunawain si Vincent sa pag-iisip na maaaring may mga kakulangan din siya kung bakit humanap ng iba si Violeta. Si biyenan naman, kahit na gaanong kinamumuhian ang manugang, sana ay nagtulungan silang dalawa para maihango si Edwin sa naging napakalala niyang depression. Lahat sila ay marunong magmahal, ngunit ano naman kayang uri ang kanilang naging pagmamahal?

 

(Date reviewed: July 19, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS