Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

MAMASAN

Running Time: 

120 min

Lead Cast:

Elizabeth Oropesa, Jenine Desiderio, Mark Gil, raven Villanueva, Yda Manzano, Barbara Milano

Director: 

Joey Romero

Producer: 

Rose Flaminiano

Screenwriter: 

Dennia Evangelista

Music:

Sunny Ilacad

Editor: 

Orlando Vinarao

Genre:

Drama

Cinematography: 

Romy Vitug

Distributor:

FLT Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Bihasa si Mama Sandra (Elizabeth Oropesa) sa larangan ng negosyong "escort services", isang katawagan sa mataas ng uri ng prostitusyon, bilang isang bugaw. Nakapisan sa kanyang tahanan ang kanyang mga alagang escorts at siya na ring nagsisilbing ina ng mga ito. Bilang isang negosyo, ang pambubugaw ay ang ipinangtataguyod niya sa dalawa niyang anak na walang kinikilalang ama. Nagsimula ang matinding kalbaryo ni Sandra ng umalis sa kanyang puder si Joy (Jenine Desiderio), ang kanyang pinakamatalinong alaga bilang pagrerebelde nito sa diumano'y panlalamang ni Sandra sa kanila. Kakalabanin ni Joy sa parehong negosyo si Mama Sandra at ito'y sinumulan niya sa pagkupkop ng dalawang alagang pinagtabuyan ni Sandra. Dahil dito ay naging sukdulan ang galit ni Mama Sandra at patuloy ang kanilang bangayan hanggang sa madiin si Sandra sa krimen na hindi niya ginawa.

Maraming kakulangan ang Mamasan sa pagsasalaysay. Pawang abala ang manunulat at direktor na haluan ang kuwento ng komentaryong panlipunan sa pamamagitan ng satirikong paggamit sa mga kasalukuyang isyu ng bayan. Madalas tuloy mawala ang kuwento sa sentro nito na si Mama Sandra. Kapansin-pansin din na halos mas binigyang buhay ang papel ni Joy kaysa kay Sandra. Samakatuwid ay sabog ang istorya ng Mamasan at mahirap sundan at tumbukin ang kuwento nito na pawang pinagtagpi-tagpi at pinilit lang lagyang hugis. Nasayang lamang ang husay ng sinematograpiya ni Romy Vitug at ang maiiigting pagganap ng mga kilalang artistang sina Desiderio, Oropesa at Gil.

May maliwanag na nais iparating ang Mamasan. Hindi kailanman matatanggap ang prostitusyon bilang isang hanapbuhay. At hindi magbabago sa pananaw ng simbahan at lipunan na ito ay masama. Kahit pa sabihing mabuti ang hangarin, ito ay patuloy pa ring sisira sa pagkatao at kaluluwa ng mga kababaihan. Matagumpay na sana Mamasan sa aspetong ito, ngunit hindi pa rin lubusan sapagka't di maaaring maitatwa ang ilang maseselang eksena ng hubaran at pagtatalik na ang tanging layunin lamang ay pukawin ang karnal na pagnanasa ng manononood. Sa kalauna'y maliwanag din namang naipakita ng Mamasan na laging mangingibabaw ang pagmamahal sa poot, ang kabutihan sa kasamaan. Sana lamang ay nilinis na nila ng husto ang pagkakahabi ng kuwento upang lumutang ang mabubuting mensahe na nais nitong ipahatid.

 

(Date reviewed: June 14, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS