Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

ESKANDALOSA

Running Time: 

95 min

Lead Cast:

Barbara Milano, Ruby Padilla, Elizabeth Oropesa, Ricky Belmonte

Director: 

Joven M. Tan

Producer: 

Rose Flaminiano

Screenwriter: 

Joven M. Tan

Music:

Sunny Ilacad

Editor: 

Orlando Vinarao

Genre:

Sex/Drama

Cinematography: 

Romy Vitug

Distributor:

FLT Films International

Location: 

Tarlac, Pangasinan, Rizal

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+

CINEMA Rating:  

Not for public viewing

 

Hindi lang eskandalosa ang tawag kay Lorena (Barbara Milano) dahil sa kanyang mga relasyong sekswal, kundi itinuturing din siyang salot sa mga kalalakihan ng kanilang baryo. Bakit wala siyang kapaguran sa mga lalake? Bakit may mga buhay na ibinuwis dahil sa kanya? Mauunawaan ba ng kanyang mga kababayan ang isang malungkot na karanasan ng kanyang kamusmusan na siyang naging ugat ng kanyang kasalukuyang buhay? Ano ang hangganan ng buhay na ito?

Ang Eskandalosa ay namumutiktik sa sex at pilit na ginawang creative art pero bastos pa rin ang dating! Totoo namang napakaganda ang mga piniling tanawin para sa setting at maganda ang inilapat na musika, pero ang editing ay nakaka-dismaya. Nasunod na naman ang gusto ng prodyuser na busugin sa eksenang sex ang pelikula para maibenta ito! Ang kredibilidad ni Romy Vitug sa sinematograpiya ang tanging mapupuri sa aspetong teknikal.

Dito makikita ang intensyon ng prodyuser: ang paggiit ng simbolong relihiyoso upang malagyan miski na paano ng kaunting mensaheng moral ang istorya—na kamo "nagsisi" at lumuha sa harap ng krusipiho at estatwa ng birhen ay pasable na, na puwede nang palusutin lahat ang kabuhungang pinakita. Kailangan bang gamitin ang relihiyon para lamang palabasin na may kaunting value ang pelikula? Ang tatlong minuto ba ng "dasal" ay papawi na sa dalawang oras na kalaswaan? Ang panganib ng pelikulang ito ay kapag ang manonood ay nakatutok ng dalawang oras sa panoorin pawang sex; hubaran, bawal na pagtatalik sa iba't-ibang lugar, pang-aakit na makamundo ang dahilan, at lahat ng bagay na may kinalaman sa tawag ng laman, maaaring maapektuhan ang kanyang pananaw dito, at hindi niya maisip na ang sex ay nagpapatibay sa pagmamahalan ng isang mag-asawa. Ito'y isang pelikula na hindi dapat panoorin dahil sa hindi magandang ipinamalas nito.

 

(Date reviewed: March 8, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS