Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

EVA LASON KAY ADAN

Running Time: 

97 min

Lead Cast:

Aya Medel, Katrina Paula, Eddie Gutierrez, Allen Dizon, Brando Legaspi, Ramona Revilla, Dexter Doria, Ramona Zamora, Jack Bernal

Director: 

Tony Q. Bernal

Producer: 

Ed Trinidad

Screenwriter: 

Wilden Antoρuevo

Music:

Willy Islao

Editor: 

Ben Samson

Genre:

Sex-drama

Cinematography: 

Arnold Alvaro

Distributor:

Jordan Films Inc.

Location: 

Batangas

Technical Assessment: 

•

Moral Assessment: 

+

CINEMA Rating:  

Not for public viewing

 

Isang mapait na nakaraan ang nagtulak kay Eva (Aya Medel) upang magkaroon ng iba't-ibang relasyon sa mga lalake. Nagsilbi siyang salot at lason sa mga lalaking nagdaan sa kanyang buhay. Si Don Raymundo (Eddie Gutirrez) na gumahasa sa kanya, si Dante (Allen Dizon) na kanyang kasintahan, si Atty. Caparos (Brandon Legaspi) na namamahala sa kanyang mana …..ilan lang sila sa mga biktima ng kanyang poot at paghihiganti. Saan hahantong ang ganitong buhay?

Mayroon ba ngayong festival ng bold films? Para kasing mga nagsulputang kabute ang mga malalaswang pelikulang ipinapalabas ngayon! Bakit tila yata nakakaligtas ang mga pelikulang ito sa "talas ng gunting"? Walang masasabing maganda o mabuti sa pelikulang Eva. Ang iyong tenga ay pupunuin ng malalaswang lengguwahe at ang iyong mata ay bubusugin ng marumi't mahalay na seks. Ang napakaraming eksenang seksuwal ay nakakasuka. At tulad ng maasahan, ang seks dito ay pang-akit sa manonood.

Narito muli ang temang poot na may kakambal na paghihiganti. Ang ugat ng mga ito ay kalaswaan, kapangyarihan at salapi. Dahil ito ay mga kahinaan ng tao na sumisira sa kanyang buhay. Dapat ay tinalakay sa pelikula ang tamang paraan upang ito ay supilin sa kanyang puso't isipan. Mapanganib na mapanood ito ng mga kababaihan na may krisis sa kanilang pagka-babae, o may dinadalang problema sa kanilang katayuan. Hindi nila makikita, mararamdaman at mauunawaan ang solusyon sa kanilang suliranin.

Ang paggawa ng pelikula ay hindi lamang negosyo kundi isa ring sining. Subalit may mga prodyuser na tipong yung takilya lamang ang iniintindi at hindi ang tema ng pelikula. Hindi kaya dapat na ang mga prodyuser at direktor ay tunay na hangarin na ang sila ay igalang bilang tunay na dalubhasa sa larangan ng pelikula. Utang na loob, tigilan nang isalarawan ang Pilipina na isang sex object!

 

(Date reviewed: March 15, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS