Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

AKALA MO...

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, Elizabeth Oropesa, Dennis Padilla, Candy Pangilinan, Anne Curtis

Director: 

Lyle Sacris

Producer: 

Vic del Rosario Jr.

Screenwriter: 

Melisssa del Rosario

Music:

Rey Infante

Editor: 

Danny Gloria

Genre:

Romantic comedy-drama

Cinematography: 

Odyssey "Odie" Flores

Distributor:

Viva Films

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers of all ages

 

Security Guard si Rizette (Judy Ann Santos) sa condominium na tinitirhan ni Eric (Dingdong Dantes). Tila isang umiibig na baliw ang dalaga sa kanya pagkat buong buhay niya ay umiikot at umiinog dahil sa binata. Pero hindi siya pinapansin ni Eric. Alam ni Rizette na isang ilusyon lamang ang kanyang paniniwala na may pagtingin sa kanya si Eric, subalit patuloy siyang umaasa at naghihintay. Minsan ay sinugod si Eric ng isang sanggano na may hawak na patalim. Hinarang ito ni Rizette at siya ang nasaksak. Ang insidente ay nagbigay daan para maging magkaibigan ang dalawa. Ito na kaya ang hinihintay ni Rizette na pagkakataong siya ay mahalin? Paano ang kasintahan ni Eric?

Ang Akala Mo… ay may tema na tipikal sa Pilipino love story: kahit na gaano kahaba ang prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.  Kaya lang, walang kuwenta ang istorya, mababaw ang script at masagwa ang editing. May bago sa aspetong teknikal: ang birds-eye-view shots na ginamit subalit napasobra ito.  Ang paggamit ng videoke sa gitna ng kuwento ay bagong estilo ngunit hindi akma at nakakasira pa ng concentration ng manonood.  Launching picture ito ni Dingdong, subalit kahit matagal na siyang gumaganap sa mga telenobela, pa-cute pa rin ang kanyang dating! Mukhang permanente na ang acting style ni Juday sa kanyang mga pelikula…isang hopeless romantic, isang martir sa pag-ibig, isang inaaping mahirap, etc. At pasikot-sikot man ang istorya ay laging dapat happy ending sila ng bidang lalake. Sayang at sa pelikulang ito ay hindi naipalabas ng direktor ang kakayahan ni Juday sa pag-arte.  

Ibig ipakita ng pelikula ang iba't-ibang uri ng pag-ibig - tapat at mapagbigay, mapagsamantala at makasarili, bubot at hilaw.  Pero tignan ninyo ang kabuuan ng istorya at makikitang mababaw ang pagkatalakay sa temang pag-ibig. Walang substance, dahil hindi naman ito talaga ang intensiyon ng prodyuser.  Sa totoo lang, ang pelikula ay isang cheap gimmick para ipakilala ang bagong love team ng bayan – si Juday at DingDong. At dahil launching picture ito ni Dingdong walang katapusan ang kanyang pa-cute para sa mga pogi points na maririnig sa mga fans.   Pagkatapos mong manood ng Akala Mo… ramdam mo na wala kang masyadong napala sa dalawang oras na inilagi mo sa sinehan at sa perang iyong ibinayad.

 

(Date reviewed: May 24, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS