Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

PISTOLERO

Running Time: 

110 mins

Lead Cast:

Jeric Raval, Joanne Miller, John Apacible, Daniel Pasia, Ramon Zamora

Director: 

William Mayo

Producer: 

Ronald Monteverde

Screenwriter: 

 

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Jose Solo

Genre:

Horror-Action

Cinematography: 

Vic Anao

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Pampanga

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nagtungo sa kanilang lalawigan ang pistolerong si Victor (Jeric Raval) at ang kaibigang si Sammy (Daniel Pasia) upang mag-ensayo ng target shooting. Higit sa lahat, ibig ni Victor balikan ang kanyang pinagmulan at alamin ang nakaraan ng kanyang magulang. Umibig siya kay Mildred (Joanne Miller), ang doktorang namamahala ng medical mission. Nakilala din niya si Don Gustavo (John Apacible), ang pinakamayaman sa nasabing lugar at interesado rin kay Mildred. Ilang araw pa lang namamalagi doon si Victor ay naganap ang mga patayan na tila gawa ng isang halimaw. Sa pagkakataong ito ay nalaman ni Victor na siya at si Gustavo ay parehong bampira. Kagagawan kaya niya o si Gustavo ang mga nangyayaring pagpatay tuwing hatinggabi? Sino kaya ang magugustuhan ni Mildred?

Ang Pistolero ay magkahalong aksiyon at horror na hinaluan ng konting drama at comedy. Kung pinagbuti ng isang magaling na screenwriter at batikang direktor ang pelikula, pwede sanang ihilera ito sa genre na horror film katulad ng Dracula o Frankenstein. Subalit maraming hindi kapani-paniwala sa pelikulang ito. Dito ka lamang makakakita ng mga bampira na nagsasagupaan habang nakamotorsiklo at mga daredevil stuntmen na nagsasalpukan habang gumagamit ng mga high-powered guns. Ordinaryo lang ang acting, gamit na ang istorya at maaasahan mo na ang ending.

Ang manindigan para sa tama at katotohanan ay isang paghamon para sa lahat. Kagaya ni Victor, gusto niyang matuklasan ang katotohanan at handa niyang tanggapin kahit anuman. Isa pang punto na makikita sa Pistolero ay ang kahalagahan ng pagdadasal lalo na kung laban sa kasamaan. At ang nagbibigay lakas sa atin ay ang paniniwala na sa huli ang kabutihan pa rin ang mananaig.

 

(Date reviewed: April 26, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS