Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

TWO-TIMER

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Ara Mina, Wendell Ramos, Albert Martinez, Krista Ranillo

Director: 

Mel Chionglo

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Jun Lana

Music:

Jobin Ballesteros

Editor: 

Renewin Alano

Genre:

Drama

Cinematography: 

Gus Cruz

Distributor:

Regal Entertainment, Inc.

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Maayos at walang problema ang pagsasama ng mag-asawang Viveca (Ara Mina) at Cholo (Albert Martinez). Ngunit lingid sa kaalaman ni Cholo, si Viveca ay may natatanging "karamdaman" na halos tulad sa isang nymphomaniac na naghahanap at nagpapantasya ng ibang lalaking kasiping maliban sa asawa. Minsan, ang mga pantasyang ito ni Viveca ay nauuwi sa totohanang one-night stands, hanggang sa makaniig niya sa isang si Andrei (Wendell Ramos).  Ang akala ni Viveca ay magiging tulad lamang si Andrei ng ibang mga lalaking minsan ay nakaniig niya; hindi niya inakalang magku-krus muli ang kanilang landas at iyon ang magiging simula ng kanyang kalbaryo.

Sa una'y aakalaing isang lokal na bersiyon lamang ng kontrobersyal na Unfaithful ang Two-Timer ngunit  maliban sa tema ay malaki ang pagkakaiba ng dalawang pelikula. Tinatalakay ng Two-Timer ang problemang pakikiapid mula sa iba't ibang pananaw at context.  Ang resulta tuloy ay isang masalimuot na kuwentong walang malinaw na direksiyon at mensahe. Maayos naman ang ibang aspetong teknikal tulad ng sinematograpiya at tunog.  Mahusay din ang naging pagganap ng mga pangunahin (maliban sa matabang na pag-arte ni Ara) at pangalawang tauhan (maliban laman kay Evangeline Pascual). Ngunit ang mahusay na pagganap ay nababalewala kung ang mismong istorya at ang pagkakahabi ng kuwento ang may problema.

Marami nang nasabi at naikuwento ukol sa pagtataksil, at karamihan sa mga ito ay inulit din sa Two-Timer. Ang kaibahan nga lamang, nakasentro ang kuwento ng Two-Timer sa pagtataksil ng babae, hindi ng lalaki.  Bagay na hindi ganoong kadaling tanggapin ng ating lipunang may double standards. Kung ito ang nais labanan ng Two-Timer, ito ay nabigo sapagkat hindi Simpatya, bagkus ay pagkasuklam ang mararamdaman ng manonood sa isang babaeng nagkukusang lumapit sa apoy (sa maraming pagkakataon) at nagtataksil sa asawa nang walang malinaw na dahilan bukod sa pagka-"uhaw" nito sa kama.  Ito ba talaga ang laging ugat ng problema ng mag-asawa? Mahirap unawain kung paanong ang isang babaeng masaya sa kanyang asawa ay maghahanap pa ng iba. Kung ang "uhaw" ni Viveca ay "sakit" at "demonyong" kusang sumasalakay, isinentro sana ng Two-Timer kung paano ito nangyayari at kung ano ang dapat gawin upang malabanan ito. Ngunit walang ganitong inihahandog ang pelikula—wala man lamang ipinakitang tunay na pagsisisi ang babae—tuloy maiisip ng manonood na ang Two-Timer ay walang ibang silbi kundi maging behikulo sa paghahantad ng bago (at balingkinitang) katawan ni Ara Mina. Sa maraming sakit ng lipunan, hindi solusyon ang nais ihain ng pelikula, kundi  panandaliang aliw lamang upang matabunan at malimutan ang tunay na suliranin.

 

(Date reviewed: November 8, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS