Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

BAHID

Running Time: 

105 min

Lead Cast:

Dina Bonnevie, Assunta de Rossi, Diether Ocampo, Eddie Garcia

Director: 

Joel Lamangan

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Rey Iglesias

Music:

Jesse Lasaten

Editor: 

Tara Illenberger

Genre:

Drama

Cinematography: 

Leslie Garchitorena

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • • ½

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Sa Bahid, biktima ng panggagahasa si Loida (Dina Bonnevie), ikalawang asawa ng mayaman at dating heneral sa hukbong sandatahan na si Don Lorenzo Lavares (Eddie Garcia). Nakababatang kapatid ni Loida si Erika (Assunta de Rossi)—isang masungit na spoiled brat na may malaking galit sa mundo. Pinatay ni Lavares ang nanggahasa kay Loida, kinupkop nito ang magkapatid at itinuring na sariling anak si Erika.  Nagkagustuhan at nagpakasal si Erika at si Rodney (Diether Ocampo), anak ni Lavares, ngunit dumalas nang dumalas ang pag-aaway nila pagkat ayaw ni Rodney ang kagustuhan ni Erika na bumukod na sila ng bahay. Napilitang magtapat si Erika tungkol sa "pagtatangka" sa kanya ni Lavares (bilang dahilan ng kanyang hiling na magsarili silang mag-asawa) ngunit hindi pa rin maniwala si Rodney, hanggang sa tumakas si Loida at Erika upang lumaya sa pagkakabilanggo sa marangyang tahanan ni Lavares. Naisipan ng magkapatid na gumawa ng bitag para masilo si Lavares kung saan mahuhuli sa akto ni Rodney ang ama at si Erika. Naniwala na si Rodney sa magkapatid, at dito lalong uminit ang mga pangyayari.

Mahusay ang pagkakaganap ng mga pangunahing artista: makatotohanan, kapani-paniwala, may damdamin. Akma rin ang paggamit ng musika, tunog at liwanag— nakadaragdag ito ng kahulugan sa eksena at sa damdaming isinasaad ng kuwento.  Maganda rin ang kuwento, maayos ang takbo, at sa kabuuan ay karapat-dapat ang dialogue sa istorya. Ang pananamit at tirahan ng mga tauhan ay bagay din sa kani-kanyang mga papel.  Ngunit may ilang mga "gusot" sa editing na hindi marahil makalulusot sa mga mapunahin o matatalas ang mata, tulad ng pagbabago-bago minsan ng lighting, panghihina ng volume ng pagsasalita, ang paglitaw sa eksena ng mga mikropono, at ang magkaminsa'y bigla at di kapani-paniwalang paglaho ng pagkalasing ni Loida—mga bagay na distracting at nakababawas sa pagiging makatotohanan ng pelikula.

Malinaw na ipinakikita ng Bahid ang kasamaan ng ilang kasamaan—tulad ng panggagahasa, pagkaalipin sa maluhong pamumuhay, at ang kabuhungan ng may hawak ng salapi, baril at kapangyarihan. Ipinakikita rin nito na bagama't dala ng kahinaan ay nagiging solusyon sa problema ang paglalasing (ni Loida), ang pakikiapid (ni Erika), at ang pagbubulag-bulagan (ni Rodney), nananaig pa rin ang kanilang pagnanasang hanapin ang tunay na dangal at dignidad ng tao sa pamamagitan ng paglaya mula sa pagkaaliping dulot ng kanilang mga kahinaan. Higit sanang mataas ang makakamtang rating ng Bahid kungdi lamang sa labis na mahahabang sex scenes na nakakaagaw ng pansin at nakababawas sa bisa ng mabuting mensahe ng pelikula.

 

(Date reviewed: November 29, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS