Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

KAILANGAN KITA

Running Time: 

105 min

Lead Cast:

Aga Muhlach, Claudine Barretto, Johnny Delgado, Liza Lorena

Director: 

Rory B. Quintos

Producers:

Malou Santos, Charo Santos-Concio

Screenwriter: 

Shaira M. Salvado

Music:

Jessie Lasaten

Editor: 

Marya Ignacio

Genre:

Romance/Drama

Cinematography: 

Shayne Sarte Clemente

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Sorsogon

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Abala ang pamilya ni Lena (Claudine) sa paghahanda para sa nakatakdang kasal ng nakatatanda niyang kapatid na si Criselda kay Carl (Aga).  Kapwa nakabase sa New York ang chef na si Carl at ang fashion model na si Criselda, subalit napagkasunduan nilang ganapin ang kasal sa bayan ng babae, sa Bicol. Naunang dumating si Carl upang makilala ang pamilya ni Criselda at personal na asikasuhin ang menu sa araw ng kasal. Dito nakilala niya si Lena at nakatawag ng kanyang pansin ang kakimian at kakaibang kilos ng dalaga kumpara sa buong pamilya.  Napuna din ni Carl ang malamig na trato kay Lena ng kanyang ama (Johnny Delgado).  Dahil parehong responsable sa paghahanda ng mga pagkaing ihahain sa kasal ay madaling nagkasundo at nagkalapit ang dalawa. Higit nilang nakilala at natulungan ang isa't isa sa mga personal na krisis sa buhay, hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa't isa at makalimot, bagay na natuklasan naman ng pamilya.    

Mahusay ang sinematograpiya at nabigyan-diin ang mga detalye ng kultura sa pagkain at kagandahan ng lugar ng Bicol, gayundin ang mga damdamin na nais ipabatid ng pelikula. Nakatulong nang malaki ang angkop na paglalapat ng musika sa mga eksena katulad ng love scene. Magaling ang mga nagsiganap lalo na ang mga pangunahing tauhan. 

Ang Kailangan Kita ay tumatalakay sa pagkakaibigang mauuwi sa malalim na pagkakakilala at masidhing pag-iibigan.  Maayos ang pagkakalahad ng paglago ng mga damdamin nina Lena at Carl para sa isa't isa at walang maiiwang katanungan sa manonood kung bakit sila nagkagustuhan.  Ipinapakita rin ng pelikula ang naidudulot ng kapusukan kaya dapat ay maging maingat at huwag magpapatangay sa damdamin ang nag-iibigan. May ilang positibong puntos ang pelikula kung pagtutuunan ng pansin ang dialogue, katulad ng madamdaming tagpo kung saan ipinaliliwanag ng ama (Dante Rivero) ni Carl kung paano nagiging masarap ang isang bagay kapag ginawa nang buong pagmamahal; gayundin sa mga eksena ng pagbibigay-suporta nina Lena at Carl sa isa't isa. Hindi naman masyadong malinaw kung may maganda o hindi magandang dulot ang paternalistikong lipunan katulad ng papel na ginampanan ng ama ni Lena. At hindi rin kailangan sa istorya ang ginawang pagtalikod sa pagpapari ng kapatid (Cris Villanueva) ni Lena at hayagang makipagmabutihan sa kapwa lalaki.  Sa kabuuan ay maganda at nakalilibang ang pelikula, subalit dahil sa sensitibong isyu ng pre-marital sex, personal na krisis at relasyon ng isang pari sa kapwa lalaki, at pananaw tungkol sa mga rebeldeng NPA, ang pelikula ay hindi pang-murang isipan.

 

(Date reviewed: November 8, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS