Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

KASIPING

Running Time: 

101 min

Lead Cast:

Diana Zubiri, Halina Perez, Rodel Velayo, Dante Balboa, Giselle Sanchez, Long Mejia

Director: 

Augusto Salvador

Producer: 

Robbie Tan

Screenwriter: 

Mel Del Rosario

Music:

Bienvenido Medina

Editor: 

Ferren Salumbides

Genre:

Bold/Drama-Comedy

Cinematography: 

Romy Vitug

Distributor:

Seiko Films

Location: 

Marikina, Metro Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Kapwa nasa problemadong mga relasyon sina Gilda (Halina Perez) at Romeo Rodel Velayo). Si Gilda, sa kanyang ka-live in na si Boggs (Dante Balboa) na parang walang balak na siya ay pakasalan matapos ang tatlong taon nilang pagsasama.  Si Romeo naman ay buong lamig na pinakikisamahan ng asawa nitong si   Rowena (Diana Zubiri).  Kapwa nakatira ang dalawang pares sa isang condominium building.  Nagkrus ang landas nina Boggs at Rowena at may namagitan sa dalawa. Kapwa nila ito itinago sa kani-kanilang asawa ngunit madidiskubre rin sa kalaunan ni Gilda.  Nalaman din ni Romeo ang lahat at naging magkatuwang sila ni Gilda sa problema. Ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi rin sa pagsisiping. Saan kaya sila dadalhin ng kanilang pagpapalipat-lipat at pagpapalit-palit ng kandungan?

Gasgas na ang tema at istorya ng Kasiping na mababaw na tumalakay sa problemang pakikiapid.  Naging nakakabagot ang daloy ng kuwento; kungdi isiningit ang pagpapatawa ng mga batikang komedyanteng sina Giselle Sanchez at Long Mejia ay makakatulog ang manonood sa kabagalan ng napaka-predictable na kuwento. Maraming kakulangan ang pelikula pagdating sa aspetong teknikal.  Mula sa malamlam at di-makatotohanang karakterisasyon ng mga pangunahing tauhan (lalo na ng mga bidang sina Diana Zubiri at Halina Perez), hanggang sa sinematograpiya at disenyong pamproduksyon. Pati ang mga diyalogo ay pawang di angkop sa karakter ng mga nagsiganap.  Sa kagustuhan ng Kasiping na bigyan ng bagong bihis ang gasgas nitong tema, ang naging resulta ay isang kakatwa ng pelikula na napagiwanan na ng panahon at ebolusyon ng pelikulang Pilipino.

Higit na sumasadsad sa usaping moral ang Kasiping.  Sa tema pa lamang nito ng pagpapalit-palit ng "kasiping," nakababahala na ang mensahe ng pelikula. Mababaw ang pagtrato nito sa problema ng pakikiapid. Naging napakababaw ng motibo ng mga karakter upang mangalunya sa kani-kanilang asawa.  Bagama't may mga pagsisisi sa bandang huli, hindi ito naging sapat upang mapagtakpan ang nakalalamang nitong mensahe ng pagbabalewala sa kasagraduhan ng kasal. Para sa Kasiping, ang pagmamahal ay nakaugat lamang sa pagnanasa ng katawan. Muli, maaring isipin ng sinumang makakanood nito na ang tao ay alipin ng kanyang sariling pagnanasa, na ang pagmamahal at pagnanasa ay iisa. Hindi mapasusubalian ang motibo ng pelikulang pukawin sa mga makakapanood ang pagnanasang ito. Malinaw itong mababasa sa maraming eksena ng hubaran at pagtatalik na halos labas na sa konteksto ng pelikula. Hanggang kailan kaya gagamiting bentahe ng mga pelikula ang hubad na katawan upang ito ay kumita?

 

 

(Date reviewed: November 29, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS