Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

SEX FILES

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Halina Perez, Ana Capri, Pyar Mirasol, Barbara Milano, Lester Llansang

Director: 

Joven Tan

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Dennis Evangelista

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Roberto Vasadre

Genre:

Sex/Drama

Cinematography: 

Romy Vitug

Distributor:

Good Harvest Film

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ + 

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Nakamulatan na ni Macmac (Lester Llansang) ang mga kuwento at balitang seks dahil sa pagtitinda niya ng diyaryo kasama ng lola niya. Kaugnay nito ay masusubaybayan niya ang tatlong kuwento na katulad ng nababasa niya sa pahayagan. Sa unang episode ay mag-asawang bakla at tomboy sina Georgina (Barbara Milano) at Mauro (Richard Quan) na nagsisikap bumuo ng pamilya sa likod ng mga tunay nilang pagkatao. Subalit mananaig ang mga damdamin at pagnanasa ng katawan nila sa mga karelasyong katulad nila ang kasarian. Sa ikalawang episode ay sasama ang loob ni Rodelia (Ana Capri) sa kapatid na si Leah (Pyar Mirasol) dahil nalaman niya na kick-out na pala ito sa eskwelahan. Maghihinga siya ng sama ng loob sa boyfriend niyang inmate na si Angel at may mangyayari sa kanila. Tuluyan silang magsasama sa paglaya ni Angel at magiging magkatuwang sa negosyo, pero matutuklasan niyang mayroon na pala itong pamilya at ginagamit lamang siya. Sa ikatlong episode ay isang anak mayaman na nagrerebelde sa muling pag-aasawa ng ama si Nelia (Halina Perez). Sasamantalahin ni Gareth (Paolo Rivero), na inaakala niyang disente, ang katayuan niyang ito at siya ang magpapahamak sa kanya. Malalathala sa dyaryo ang kaso ng panggagahasa kay Nelia sa tulong ng stepmother (Pinky Amador) niyang journalist na magbubuwis ng kanyang buhay dahil sa kaso.

Walang masyadong lumutang sa aspetong teknikal ng pelikula. Biglaan ang pagpapalit ng mga eksena at naapektuhan nito ang daloy ng mga kwento. Maingay ang background at kulang sa balanse at focus ang mga kuha ng kamera. Maayos naman ang pagganap ng mga pangunahing tauhan bagamat hindi gaanong kagalingan. At hindi rin nito naisalba ang kabuuan ng pelikula.

Nakatulong ang karakter ni Macmac upang magkaroon ng kahit konting kabuluhan ang pelikula. May mga puntong maaaring pagnilayan ang mga manonood sa mga binitawan niyang linya sa voice over tungkol sa mga katanungan at pananaw ng isang kabataan sa mga balita na matutunghayan nila sa mga pahayagan at pag-uugnay ng mga ito sa totoong buhay. Bagama't may ilang positibong mensahe naman ang trilogy tulad ng pagtanggap sa sarili, pag-amin sa pagkakamali at pagpapatawaran, di mapasusubaliang higit na lumutang ang mga nakababahalang tema at mensahe nito ukol sa seks at karahasan. Dagdag pa rito ang mga wala sa kontekstong eksena ng pagtatalik na di gaanong mahalaga sa daloy ng istorya. Masyadong binigyang diin ng pelikula ang kahinaan sa tawag ng laman at kaswal na relasyon sa parehong kasarian. Tulad sa tabloid, ang Sex Files ay isang halimbawa ng iresponsableng pamamahayag sa pelikula. Natabunan ang anumang mabuting aspeto ng pelikula dahil isa lamang ang malinaw na layunin nito: pukawin ang makamundong pagnanasa ng manonood at ipatanggap ang anumang gawaing sekswal maging sa labas ng kasal. Kung ang Sex Files ay pawang tabloid, hindi ito dapat basahin kung hindi hinog ang kaisapan. 

 

(Date reviewed: November 15, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS