Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

BEDTIME STORIES

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Maricar de Mesa, Wendell Ramos, Elizabeth Oropesa, Ynez Veneracion, Anton Bernardo, Iraz Melchor

Director: 

Maryo J. delos Reyes

Producers:

World Arts Cinema

Screenwriter: 

Jun Lana

Music:

Jaime Fabregas

Editor: 

Ron Dale

Genre:

Drama/Suspense

Cinematography: 

Odie Flores

Distributor:

World Arts Cinema

Location: 

Laguna / Manila

Technical Assessment: 

• • • ½

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Tatlong iba't-ibang kuwento ng kakaibang "gusto" ng tatlong iba't-ibang babae: Kung Gusto Mong Masaktan, Gusto Mong Nananakit ang una na tungkol kay Marta (Maricar de Mesa) na walang awang sinaktan at ipinagtabuyan ng kanyang asawang si Lino (Anton Bernardo).  Nakatagpo si Marta ng panibagong buhay at mundo sa piling ng isang lesbiyanang bar girl (Ynez Veneracion) na may naiibang koleksiyon ng mga "hayop." Kung Gusto Mo sa Malamig na Bangkay ang ikalawang kuwento, ay na tungkol sa gurong si Vangie (Maricar de Mesa) sa isang maliit na eskuwelahan sa baryo na kinahumalingan ng kanyang estudaynteng si Benjie (Iraz Melchor), anak ng embalasamadorang si (Elizabeth Oropesa). Sa Kung Gusto Mong Lumipad naman ay nagkrus ang landas ng dalawang estranghero (Maricar de Mesa at Wendell Ramos) sa madilim na tahanan ng  best friend ng babae. Kapwa nila pagsasaluhan ang dilim ng gabi sa kagustuhang "lumipad" sa pansamantalang ligayang dulot ng bawal na gamot, na mauuwi sa kakila-kilabot na engkuwentrong magbibigay kasagutan sa misteryo ng pagkawala ng may-ari ng bahay.

Mula sa kapwa batikang direktor (Maryo J. delos Reyes) at manunulat (Jun Lana) na nagbigay ng trilohiyang Red Diaries, narito muli ang isang pelikulang halos kauri nito. Ang malaking kaibahan nga lang, mas matapang at mas madilim ang mga temang tinalakay sa Bedtime Stories. Matapang na inilahad ng pelikula ang ilang uri ng sexual deviations (sadismo-masokismo, lesbianismo, nekropilya, droga) sa kakaibang kuwento ng tatlong iba't-ibang babae.  Mas may kahusayan ang Bedtime Stories kumpara sa naunang pelikulang nabanggit kung teknikal na aspeto ang pag-uusapan.  Maayos ang tunog at kuha ng kamera. Pulido ang pagkakahubog ng mga kuwento maging ang mga diyalogo.  Nakatulong din ang mahusay ng pagganap ng pangunahing tauhang si Maricar de Mesa na may sariling pamamaraan sa pag-arte.  Nabigyang-buhay niya ang iba't-ibang karakter na kanyang ginampanan.  May mga ilang eksena lamang sa pelikula na pawang lumaylay at napahaba tulad ng mga sayaw sa bar. Sa kabuuan, malinis at maayos ang pagkakahabi ng mga kuwento sa Bedtime Stories.

May mga kuwento na sadyang hindi inilalahad sa publiko at itinatago na lamang sa mga sulok ng mga silid.  Hindi dahil sa ang mga ito'y walang halaga kundi dahil iilan lamang ang maaaring makaunawa ng mga ito. Ilan rito ay inilahad at inilantad ng Bedtime Stories. Mga kuwentong nakaugat sa madidilim na pagnanasa at masusukal na imahinasyon na pawang hindi tanggap ng lipunan at simbahan.  Sa isang banda, hindi maaaring itanggi na ang mga ito'y nangyayari at hindi mabibigyang solusyon ng pagbubulag-bulagan ang problema. Kung ang mga sexual deviations na inilahad sa pelikula ay pawang nangyayari, tulong at pang-unawa ang nararapat na ibigay, hindi pagsasawalang-bahala.  Maaaring hindi naging maliwanag ang tayo ng pelikula kung ang mga ito'y masama o mabuti, ngunit maliwanag ang kanilang hangaring magkuwento lamang sa makasining na paraan ng pelikula.  Hindi ninais ng pelikulang magbigay-aral—ang pagmumuni-muni at pagsusuri ay nakasalalay na lamang sa mga manonood na nasa wastong gulang, may hinog na pag-iisip at matibay na pananalig.

 

(Date reviewed: October 25, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS