Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

HUBAD NA MULTO

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Kat de Santos, Mike Magat, JC Castro, Rose Valencia

Director: 

Eddj Contreras

Producers:

Led Cinema

Screenwriter: 

Joan Contreras

Music:

Ed Barcena

Editor: 

Nap Montebon

Genre:

Sex/Drama

Cinematography: 

Al Anao

Distributor:

Sunlight Films

Location: 

Romblon

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Labis na nagmamahalan ang magkasintahan na sina Chris (JC Castro) at Cecille (Kat de Santos) subalit tutol ang kinikilalang magulang ni Cecille dahil mas pabor sila sa mayabang na Hapones na si Syoji (Mark Magat).  Saksi sa pagmamahalan ng dalawa ang pinsan ni Cecille na si Venus (Rose Valencia) na nagsilbing tulay nila at tagapaghatid ng mga sulat sa panahon na naging mahigpit ang magulang ni Cecille sa relasyon nilang dalawa ni Chris. Lubos ang tiwala ng magkasintahan kay Venus na matagal na palang may gusto at pagnanasa kay Chris.  Hanggang sa maaksidente at namatay si Cecille, hindi niya namalayan ang pagtataksil ni Venus na nagpapalit ng mga laman ng mga sulat nila ng masasakit na salita hanggang magkahiwalay sila.

Simple lang ang istorya at ni hindi mapapansin ang pagsapit ng climax. Walang diin ang mga diyalogo lalo na ang pag-arte ng bida. Ang dating aktres na si Isabel Lopez lamang ang nakitaan ng makatotohanang pagganap. Nakatulong naman ang orihinal na musika na inilapat sa pelikula upang magkaroon ito ng saysay. Samantala nakapanghihinayang na hindi nabigyan-pansin ang kagandahan ng lalawigan ng Romblon na maaaring magbigay ng puntos sa kagandahan ng pelikula. 

Ang pelikula ay hindi nagbibigay ng magandang larawan para sa mga guro na dapat maging modelo ng kabataan. Ang pagtataksil ni Venus at ang paglalasing ni Chris ay hindi pangkaraniwang ugali ng ating mga guro.  Masyadong mahaba ang dalawang sex scenes na hindi naman kailangan sa istorya.  Gayundin ang mga wet scenes ay hindi materyal sa pelikula bagkus nagpapahiwatig lang na ginagamit ang katawan ng mga kababaihan na nagpapababa sa kanilang dignidad.  Halatang-halata ang intensiyon ng direktor sapagkat pati ang multo ay ginagamit para magpakita ng hubaran. Ang magandang mensahe lang ng pelikula ay ang pagpapatawad maski sa kabilang buhay.   

Dahil naman sa mga taliwas na paglalarawan sa mga guro, pre-marital sex, paniniwala tungkol sa kaluluwa ng yumao, at nude exposures, ang pelikulang ito ay nangangailangan ng mature na isipan ng manonood.

 

(Date reviewed: October 11, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS