Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

LOLLIPOP

Running Time: 

98 min

Lead Cast:

Via Veloso, Mon Confiado, Shanghai, Joel Ortega, Maye Tongco

Director: 

Cesar SB Abella

Producer: 

El Niño Films

Screenwriter: 

Efren Pinon

Music:

Doming Safe

Editor: 

Popoy Crisostomo

Genre:

Drama

Cinematography: 

Rico Enriquez

Distributor:

El Niño Films

Location: 

Nueva Viscaya

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Si Teresa (Via Veloso) ay isang guro na pinagnanasahan ng kanyang estudyanteng si Angelo (Shanghai). Kahit ikinasal na si Teresa kay Arturo (Mon Confiado), di pa rin tumigil sa pag-asa si Angelo na balang araw ay mapapasakanya si Teresa.  Nagkaroon si Angelo ng pagkakataong mapalapit kay Teresa ng maging saksi siya sa pang-aabuso ni Arturo kay Nene (Maye Tongco), ang nakababatang kapatid ni Teresa na may diperensiya sa pag-iisip.  Nahatulan at nakulong si Arturo.  Lingid sa kanilang kaalaman, hindi lamang si Arturo ang nagsamantala kay Nene kundi maging ang nakatatandang kapatid ni Nonoy (Joel Ortega) na parati nitong kalaro.  Palibhasa'y isip bata, nasusuyo si Nene ng mga kalalakihang hayok sa laman sa pamamagitan lamang ng pagbili ng mga ito ng paborito niyang kendi, ang lollipop.

Kung ang pelikula ay pawang kendi, ang Lollipop ang uring di na dapat pang tangkilikin pagkat kulang na kulang ito sa tamis upang maging kaaya-aya. Mali ang pagkakatimpla ng halos lahat ng elemento sa pelikulang ito:  nakababagot ang daloy ng kuwento; kakatwang musika at tunog na di tumutugma sa damdaming nais ipahayag ng eksena; malabong kuha ng kamera; nakaririmarim na pagganap ng mga pangunahing tauhang tulad nina Maye Tongco (ang isa sa pinakamasagwang pagkakaganap ng retarded sa kasaysayan ng pelikula) at Shanghai (paano ba naging artista ang isang ito?), at di makatotohanang diyalogo. Kung mayroon mang makapagsalba sana sa pelikula, ito ay ang matapat na pagganap ni Mon Confiado. Ngunit siya'y nag-iisa lamang kumpara sa dami ng kapalpakan mayroon ang pelikula. Kung susumahin, ang lahat naman ay pagkukulang ng direktor na siyang may pananagutan sa pelikula bilang isang sining at hindi isang pampalipas-oras lamang.

Sa titulo pa lamang ng pelikula na may dalawang kahulugan, parang mahuhulaan mo ng walang moral values na mahihita sa Lollipop.  Ito'y isang halimbawa ng pelikulang nagpapaigting sa isteryotipikong imahen ng mga kababaihan bilang mahihina, walang talino, at sex object lamang ng mga kalalakihan. Maging ang mga lalaki ay ikinahon sa pelikula bilang mga manyakis na walang nasa isip bawat minuto kundi seks.  Ang Lollipop ay tungkol sa pagsasamantala ng mga kalalakihan sa mga walang-laban at mahihinang biktima ng rape, ngunit sa tipo ng pagkakagawa ng kuwento ay parang binibigyang ideya pa nitong lalo kung paano mang-abuso ng menor de edad at walang malay. Hindi naging layon ng pelikula na imulat ang mga manonood sa katotohanang maraming pang-aabusong nagaganap bunga ng kapabayaan ng lipunan sa mga taong tulad ni Nene. Ang mga pinahabang eksena ng hubaran sa Lollipop ay pawang wala sa konteksto at naglalayon lamang pukawin ang karnal na pagnanasa ng mga manonood.  Dagdag pa rito ang mga eksena ng pakikiapid na ipinakitang katanggap-tanggap sa kabila ng katotohanang ito'y mali at kailanma'y hindi magiging tama. Ninais man nilang lagyan ng elemento ng katarungan at pagmamahal ang pelikula, sila'y bigo.  Sa bandang huli, ang mangingibabaw pa rin ay ang kanilang tunay na layunin: ang ituring ang pelikula bilang panandaliang aliw lamang na walang ipinaglayo sa mumurahing lollipop.

 

(Date reviewed: October 11, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS