Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

Title:

"PROSTI"

Running Time: 

100 min

Lead Cast:

Aubrey Miles, Jay Manalo, Paulo Rivero, Racquel Villavicencio, Pinky Amador, Hazel Espinosa

Director: 

Erik Matti

Producer: 

Lily Monteverde

Screenwriter: 

Roy Iglesias

Music:

Jobin Ballesteros

Editor: 

Vito Cajili

Genre:

Drama

Cinematography: 

Ja Tadena

Distributor:

Regal Entertainment

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Sa pelikulang Prosti, bugaw si Nonoy (Jay Manalo) sa "casa" ni Xedes (Racquel Villavicencio).  Dito niya nakilala si Ditas (Aubrey Miles) isa sa mga babae sa "boarding house" ni Xedes.  Mahalaga si Ditas kay Xedes at "reserbado na kay Gov" pagkat ito diumano'y "donselya" o wala pang karanasan sa sex. Pinagnasaan ni Nonoy ang dalaga hanggang sila'y nagkarelasyon at ginusto na niyang ilayo ang babae sa trabahong iyon.  Sapagka't bawal sa casa ang magkarelasyon  ang bugaw at babae, pinalayas ni Xedes si Nonoy nang mahantad ang kanilang lihim.  Sa kawalang pag-asa ni Nonoy sa sinapit na kapalaran, nagbalik ito kay Xedes upang makiusap na papasuking muli sa casa, ngunit siya'y nabigo. Nag-away ang dalawa, nanaig ang karahasan at nauwi ito sa pagkamatay ng isa sa kanila.

Kapuna-puna na pinag-ukulan ng panahon ang paggawa ng Prosti: may plano at hindi pangkaraniwan ang mga anggulo ng kamera, ma-drama ang lighting, angkop ang tugtugin, kapani-paniwala ang mga tauhan pagkat bagay sa kanilang mga papel ang mga artistang gumanap. Heto naman ang mga kapintasan: Bagama't may istoryang matatawag, sanga-sanga ang plot at hindi gasinong makinis ang takbo ng Prosti. Bagama't nagsikap na gawing realistic o makatotohanan ang kuwento, may mga kalabisan ito na nakasisira sa kabuuan ng pelikula, tulad ng dialogue na sagad sa kabulgaran, o kaya'y ng mga sex scenes na nakakabagot na sa haba. Gawa ng mga kalabisang ito, magtataka tuloy ang manonood kung gusto ba talaga ng Prosti na magsalarawan ng buhay, o gusto lang ba nitong "manguryente" ng mga taong babayad ng limampung-piso para manood ng pinagtagni-tagning retaso ng buhay?

Paano mo masasabing "maganda" ang isang pelikula?  Maraming sukatan ng kabuluhan nito.  Isa na rito ay ang "napulot" mong aral man o dunong sa panonood nito. Paglabas mo ng sinehan masasabi mo bang may natutunan kang bago sa pinanood mo? Natulungan ba nitong patalasin, palawakin o palalimin ang iyong pananaw? Bihira sa mga pelikulang hitik sa "bomba" ang nakapagdaragdag ng kabuluhan sa isipan ng mga manonood; kadalasa'y tila nais lamang nilang "mangiliti" o manggising sa makahayop na damdamin ng tao. Sa Prosti, may nakita ang CINEMA na nawa'y mapuna din ng mga manonood, lalo na ng mga kalalakihan: sa mata ng mga babaeng bayaran, ang parukyano at pera ay iisa. Ang mga customer ng casa ay binabalatan nang buhay ng mga babaing binibilhan ng aliw.  Totoong mag-iimbento ang mga babaeng bayaran ng kung ano-anong istorya upang mahabag ang customer at lakihan ang tip na ibibigay. Totooong pagtalikod nila'y hinuhubaran nila ang parukyano at pinagtsitsismisan ito mula sa asim ng hininga nito hanggang hugis ng kanyang ari. Totoong wala awa silang mamintas ng mga parukyano ngunit walang kurap na mambibilog ng mga ulo nito magatasan lamang hanggang kaya nila. Anong uri ng lalaki ang bibili pa ng aliw kung nayuyurakan na ang kanilang pagkatao ng mga prosti?

 

(Date reviewed: October 4, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS