Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

 

 

 

 

No
Graphics
for this movie

Title:

BAKAT

Running Time: 

90 min.

Lead Cast:

Diana Zubiri, Rita Avila, Rodel Velayo, Tommy Abuel, Ana Capri

Director: 

Francis Posadas

Producer: 

Robbie Tan

Screenwriter: 

Lualhati Bautista

Music:

Dionisio Buencamino

Editor: 

Ferren Salumbides

Genre:

Drama

Cinematography: 

Eduardo Jacinto

Distributor:

Seiko Films

Location: 

Bulacan/Pangasinan

Technical Assessment: 

• • • ˝

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Mapapait ang mga alaala ng kabataan ng magkapatid na si Robert (Rodel Velayo) at Marites (Rita Avila) sa kamay ng kanilang malupit na amang si Leoncio (Tommy Abuel). Lumayo sila sa ama at ni hindi na nila ito dinalaw; abala si Marites sa kanyang negosyong ukay-ukay, at ang arkitektong si Robert naman ay humaling na humaling sa kasintahang si Leslie (Ana Capri). Nang mangailangan si Marites upang ipangtustos sa asawang mangingibang-bansa, inudyukan nito si Robert upang siputin ang ama at alamin kung ano na ang istado ng kanilang mamanahing ari-arian. Natuklasan nila dito na may kasama na si Leoncio—si Annie (Diana Zubiri), isang dalagang nawala sa sarili at napadpad lamang sa bahay ni Leoncio ay tuluyan nang kinupkop at pinakasalan nito gawa ng magkahalong pagnanasa at habag: maalindog at batang-batang si Annie subali't may kapansanan ito sa utak. 

Buong-buo ang kuwento at mahusay ang pagsasalarawan ng Bakat na isinulat ng batikang si Lualhati Bautista.   Makatotohanan, kapani-paniwala at magaling ang pagganap ng mga artista, pangunahin man, pumapangalawa o ekstra. Akma rin ang musika at sinematograpiya sa takbo ng kuwento. Bagama't may mga "gusot" sa editing, maituturing na ring mahusay ito sapagkat maayos ang daloy ng pelikula, walang nasasayang na eksena, o kaya'y pinahahaba pa nang higit sa hinihingi ng kuwento. Pinag-isipan din ang pagpili ng lugar at mga tanawin sa setting na lalawigan, bagay na nakadagdag sa ganda at pagkamakatotohanan ng pelikula.

Nang marinig ng CINEMA ang pamagat ng pelikulang Bakat, naisip nami'y, "Naku, umaatikabong hubaran na naman ito!"  Inakala namin na ito'y tulad ng karamihang may pagkabastos ang pamagat at walang kuwento't walang kuwenta ang palabas.  Ang Bakat ay naiiba gawa ng mga mabibigat na temang tinatalakay nito: ang ibinubunga ng pagmamahal ng ama na ipinapahayag sa kalupitan nito; ang paghahabol ng mga anak sa kayamanan ng mga magulang; ang pagkalinga sa isang baliw at ang pananaw ng lipunan sa mga nasisiraan ng bait; atbp. Kaya bagama't oo, talagang may hubaran sa Bakat, ang masasaksihan mo'y hindi lamang dibdib ng dalagang nababakat sa basang damit, kundi bakat din ng hibilya ng sinturon sa dibdib ng binatang hindi makalimot sa pait ng nakaraan.  Kung masusing panonoorin ang pelikulang ito, maraming katanungang maaaring pag-usapan nang malaliman ang mga magulang at kanilang mga anak, kabilang na rito ang: Alin ang higit na mahalaga sa magulang, kayamanan o mga anak?  Kailan nararapat kumalas sa pag-iibigan ang magkasintahan? Gaano kalakas ang puwersa ng awa bilang isang sangkap sa pagmamahal ng lalaki sa babae?  Mahahabag din kaya ang lalaki at matutunan din kaya niyang mahalin nang higit sa sarili ang isang babaeng baliw kung nagkataong ito'y naging pangit na ay malamig pa?  Bagama't malaman ang pelikula, ang Bakat ay mauunawaan lamang sa tamang konteksto ng mga hinog na isipan—dahil sa maraming eksena ng pagtatalik dito ng mga taong ni hindi naman kasal sa isa't isa. 

 

(Date reviewed September. 6, 2002)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS