Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

MOTEL

Title:

MOTEL

Running Time: 

90 min.

Lead Cast:

Rose Valencia, Allen Dizon, Mon Confiado

Director: 

Armando Reyes

Producers:

 

Screenwriters:

Willy Yusi

Music:

Dennis Evangelista

Editor: 

 

Genre:

Drama

Cinematography: 

 

Distributor:

ATB-4Film

Location: 

 

Technical Assessment: 

• • ½

Moral Assessment: 

+ + ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Sa pagnanais na magbigay ng isang magandang kinabukasan sa kanyang asawang si Divine (Rose Valencia) at sa kanilang magiging mga anak, nagpilit na mangibang bansa si Lorenzo (Allen Dizon).  Tutol dito si Rose pagkat unang-una, buntis na siya at ayaw niya nang nag-iisa; ikalawa, kakakasal lamang nila—ngunit nangibabaw din ang gusto ng lalaki, tutal "tatlong taon lamang", katwurin niya.  Sa loob ng tatlong taon, matiyagang naghintay si Divine kahit na siya'y lubos na nangungulila. Pagkaraan ng tatlong taon, humingi pa ng "extension" si Lorenzo hanggang maging limang taon.  Samantala, sa matinding pangungulila, nadarang na rin si Divine sa pagnanasa ng masugid na mangliligaw na si Dick.  Nang biglaang dumating si Lorenzo mula sa ibang bansa, lulong na ang dalawa sa kanilang kataksilan.  Isang gabi, nilisan ni Divine ang mag-ama upang sumama sa mangingibig.

Ang nagdala lamang ng Motel ay ang kuwento nitong kayang panabikin ang manonood sa kabila ng napakaraming kapintasan ng pelikula.  Mapurol ang editing kaya nagmukhang tagni-tagni ang pelikula sa dami ng "butas" na humihingi ng paliwanag tungo sa ikabubuo ang istorya, Maaayos pa sana ang script kung pinagbuhusan ng kaunting pang panahon ang pagbubuo nito.  Hindi pantay-pantay ang kalidad ng acting o pagsasalarawan ng mga tauhan: minsa'y mukhang totoong-totoo at kapani-paniwala ang mga tagpo, ngunit kadalasa'y nakakapanggigil sa kakulangan ng damdamin— halimbawa: ang dialogue ay isinaulo lamang ngunit hindi isinapuso kaya matabang at maputla ang dating.

Sapagka't ang kuwento ng Motel ay nagtangkang sumisid sa malalalim na dahilan kung bakit nagagawa ng isang tao ang kanyang mga ginagawa, kung paano siya nabubulid sa pagkakasala, ito'y mapapakinabangan lamang ng mga manonood na may hinog nang isipan.  Magaganda ang aral na nais ipahayag ng pelikula: ang katapatan sa pagmamahalan sa kabila ng tukso, ang kahalagahan ng pagpapatawad, ang pangangailangan sa pagtitimpi upang makamit ang isang maligaya at mapayapang buhay, atbp. Dahil sa paksa ng istorya, kinailangan ang mga eksenang nagpapakita ng pagkahayok sa laman ng ilang mga tauhan—isang dahilan kung bakit hindi ito karapat-dapat mapanood ng may murang isipan. Ang "nagligtas" sa Motel ay ang pasya nitong parusahan ang nagkamali, patawarin ang nakaraan, at panaligan ang kinabukasang nakasalalay sa tapat na pagmamahal.

 

(Date Reviewed: August 08, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS