Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

CRYING LADIES

Running Time: 

100 min.

Lead Cast:

Elizabeth Oropesa, Allessandra de Rossi, Bembol Roco, James Blanco, Lester Llansang, Bryan Homecillo, Christopher Malonzo

Director: 

Gil M. Portes

Producers:

John Alonte, Carlo Fernandez, Eric Manlanas, Dobbie Tan

Screenwriters:

Adolfo Alix, Gil M. Potes Senedy Que

Music:

Arnel del Rosario

Editor: 

George Jarlego

Genre:

Drama

Cinematography: 

Romulo Araojo

Distributor:

Columbia Tristar Film Distributors International

Location: 

San Isidro, Quezon Province, Philippines

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 13 and below with parental guidance

 

Si Abigail Edades (Alessandra de Rossi) ay isang "caregiver" na nanilbihan ng limang taon sa Toronto, Canada upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya.  Sa kanyang pagbalik sa bayan ng San Isidro, Quezon Province, tinanghal siya bilang bagong bayani ng bayan at ginawang halimbawa na dapat pamarisan ng kabataan.  Subalit ilang araw pa lamang ng kanyang pagdating nagkaroon na siya ng sintomas ng mataas na lagnat at pagubo na kanyang isinawalang bahala.  Nagkaron din ang kanyang bunsong kapatid na si Noel (Bryan Homecillo) at dito nagsimula ang matinding pagsubok sa buhay ng pamilya Edades na magmumulat sa mata ng buong bansa.  Pinangdirihan at iniiwasan si Abigail ng mga taong kung tawagin ay kaibigan dahil sa takot na mahawa sa isang sakit na hindi nila alam.  Kahit ang nobyo ni Abigail ay ipinagkaila siya at umiwas na dalhin siya sa San Lazaro Hospital.  Nang namatay si Noel sa sakit na nakuha niya sa kanyang ate, nagsimulang mabuo ulit ang pamilya Edades mula ng maghiwalay sina Victor (Bembol Roco) at Salve (Elizabeth Oropesa).  Nagkahiwalay ang mag-asawang Victor at Salve mula ng mabistong may kinalolokohang lalaki si Salve at ito rin ang nagtulak sa isa pa nilang anak na si Jepoy (Lester Llansang) upang malulong sa pinagbabawal na gamot. Nanganko si Victor na bubuuin niya ulit ang kaniyang pamilya kapag gumaling na si Abigaill.  Saan kaya patungo ang kinabukasan ng pamilya Edades matapos mabunyag sa buong bayan ang isang nakakahawang sakit na walang lunas at humahantong sa kamatayan?

Ang pelikula ay punung puno ng husay sa pagganap ng mga pangunahing artista na talaga namang nakakaantig ng damdamin.  Ang musikang nilathala ay angkop sa mga eksena.  Ang pagkakasunud-sunod ng eksena at pagsasalarawan nito ay malinis. Angkop ang mga ilang eksena na gumamit ng "special effects" na nakadaragdag sa ma-emosyon na tagpo.  Sa bahagi ng "production design" at "make-up" kailangang pang dagdagan.    Kung may kapunapuna sa pelikulang Pilipino, ito ay laging maliwanag ang eksena sa gabi at halatang ilaw na ginagamit sa pelikula dahil sa kakaibang liwanag nito. May isang kapansin-pansin na karakter at ito ay ang relihyosang malandi na pumatol sa isang babaerong tricycle driver na maaring na di na sana isinama sa pelikula.  Ang "Homecoming" ay isang pelikulang Pilipino na masasabi nating angkalahatan isa ito sa mga pelikulang Pilipino na maaari nating pangkalahatan na ipagmalaki.

Pinapakita dito na kahit anong kabutihan ang iyong gawin sa iyong kapwa o bayan ngunit isang pagkakamali lamang at burado lahat ito.  Ginamit lamang ng istorya ang Severe Acute Respiratory Syndrome [SARS} upang isadula na mas malala ang sakit ng lipunan kaysa sa anumang sakit na nakakamatay.  Inilarawan dito na ang tao ay may mga pansariling motibo at iilan lang ang may paninindigan na dumamay sa oras ng pangangailangan. Dito na rin pinakita ang "hypocrisy" ng ating lipunan na nagmamalaking isang maka Diyos na bansa subalit madaling maghusga sa kanyang kapwa, mapaglabag sa karapatang pangtao at ginagamit lamang ang Ngalan ng Diyos ay bilang isang agimat o para sa kaniya-kaniyang pansariling hangarin.  Ang ating bansa ay hindi magkakaroon ng tunay na pagbabago kahit anong dasal kapag ang inaalay ay nasa lumang lagayan at hindi isinasagawa.

 

(Date Reviewed: December 26, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS