Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

HULA MO... HULI KO!

Running Time: 

110 min

Lead Cast:

Rudy Fernandez, Rufa Mae Quinto, Carlos Morales

Director: 

Edgardo Boy Vinarao

Producers:

Victoria Lorna Fernandez

Screenwriter: 

Senen Dimaguiba

Music:

Nonong Buencamino

Editor: 

Allan Vinarao

Genre:

Action/Comedy

Cinematography: 

Romulo Araojo

Distributor:

Reflection Films

Location: 

Metro Manila

Technical Assessment: 

• •

Moral Assessment: 

+ +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Kasalukuyang hinahanapan ng kalutasan ng grupo ng mga pulis imbestigador sa pangunguna ni Randy (Rudy Fernandez) ang krimen ng seryeng pagpatay sa mga pari, madre at pulis. Makakatulong nila sa imbestigasyon ang psychic-manghuhula na si Paula (Rufa Mae Quinto) na matagal ng may crush kay Randy. Biktima rin ng pamamaslang ang kapatid na madre ni Paula. Samantala, nilapitan din ng hepe ng pulisya ang Psychiatric na si Dr. Franco upang makatulong sa paglutas ng kaso at sa tulong ni Paula ay matutuklasan nina Randy na siya pala ang pinuno ng kultong Satanista at may kagagawan sa mga krimen ng pagpatay.

Ang pelikula ay isang ordinaryong pagtalakay ng paglutas ng mga pulis sa krimen ng patayan na nilagyan ng konting love story at pagpapatawa, at umaaktibong bugbugan at barilan. Simple lamang ang inilapat na tunog subalit magaling ang kaakmaan nito sa mga eksena. Hindi naman masyadong nabigyan ng sining ang sinematograpiya at kulang sa balanse ang mga kuha ng kamera. Maayos naman ang editingkung consistency ng istorya ang pag-uusapan at hindi naman masyadong nangangailangan ng effort sa pag-arte ang mga nagsiganap.

Walang hihigit pa sa halaga ng buhay ng tao, kaya dapat lang maging pangunahin sa lahat ang pangangalaga nito kahit sa pelikula. Sa Huli Mo, Huli Ko ang mga inosenteng tao na tapat na naglilingkod sa Diyos at sa batas ay isa-isang pinapatay sa paraang marahas. Hindi magandang tingnan ang close-up ng mga malapitang pagpatay at matagal na kuha ng nakatarak na punyal sa lalamunan. Ang mga pulis naman ay nangangailangan pa ng isang pipitsuging manghuhula at propesyonal na psychiatrist para malutas ang kaso. Ang tanging nakakagiliw sa panoorin ay ang magandang samahan ng mga pulis at ang komikang tatak ni Ruffa Mae ng pagdeliver ng kanyang mga diyalogo.

Sa kabuuan ay walang masyadong inihahain ang pelikula at lubhang nakakabahala ang marahas na pagpapakita ng patayan. 

(Nirebyu: Enero, 3, 2003) 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS