Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

MGA BABAE SA VIP ROOMS

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Rose Valencia, Kat de Santos, Mike Magat, Brandon Legaspi

Director: 

Lorenzo Ruz

Producers:

Mabuhay Cinema

Screenwriter: 

Alfredo Joson

Music:

Jose Climaco

Editor: 

Dho Hulleza

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Aryong Cuenco

Distributor:

Mabuhay Cinema

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

½

Moral Assessment: 

+ ½

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Kasama ng iba pang kababaihan, si Celine (Rose Valencia) ay isang masahista sa isang massage parlor.  Gabi-gabi ay iba't-ibang lalaki ang kanyang sineserbisyohan at kadalasa'y binibigyan niya ng "special service." Nang makilala niya ang kauna-unahang lalaking nagpatibok ng kanyang puso, si Reen (Brandon Legaspi), nagdalawang-isip siya kung magpapatuloy pa siya sa kanyang hanapbuhay sapagkat takot siyang hindi ito matatanggap ng lalaki. Kasabay nito'y nakilala naman ng kasamahan niyang si Leona si Burt (Mike Magat) na nangako sa kanya ng wagas na pag-ibig at magandang buhay. Sila na nga ba ang mag-aahon sa kanila sa putikan kinakasadlakan?  Kaya ba nilang talikuran maging ang kanilang mga kaibigang babae sa VIP rooms?

Kung may pelikulang maituturing na nagsayang ng negatibo ng film isa na rito ang pelikulang Mga Babae sa VIP Rooms. Walang tinalakay na problema sa pelikula sapagkat wala man lamang itong maituturing na kuwento. Ninais lamang nitong ilahad kung ano ang nangyayari sa mga VIP rooms ng massage parlors gabi-gabi. Bukod doon, ay halos walang pinatunguhan ang pelikula sa kabuuan.  Mababaw ang karakterisasyon at manipis ang istorya.  Wala itong anumang maaring ipagmalaki mula sa mga malalabong kuha ng kamera na nagbabad sa mga eksenang walang katuturan, hanggang sa walang kabuhay-buhay na pagganap ng mga tauhan na halos hindi kilala. Isang maling pelikula ito kung ang layon ay ipakilala ang ilang baguhang artista dahil walang may maiiwang maganda o kapaki-pakinabang ang pelikulang ito.

Ninais sabihin ng pelikula na ang lahat ng tao ay may karapatan at may pag-asang magbago. Malubog man ang isang tao sa putikan, hindi ibig sabihin na habambuhay na siyang marusing. Sa tulong ng ibang tao'y nakaahon at napabuti sa bandang huli ang mga kababaihang dati ay naliligaw ng landas. Ngunit ganito na lamang ba ang papel ng kababaihan sa lipunan? Pinaigting pang lalo ng pelikula ang maling paniniwala na ang mga kababaihan ay mahihina at sadyang pang-kama lamang.  Walang anumang ipinakitang mabuting katangian ng kababaihan sa kabuuan ng pelikula. Nagbago man sila ng landas, ito'y hindi dahil sa pagsusumikap kundi sa tulong pa rin ng mga lalaking nabighani lamang sa kanilang panlabas na kagandahan. Sa bandang huli'y maliwanag na ang nais lamang ng pelikula ay pasilipin ang mga manonood sa isang tagong mundo na punung-puno ng pagnanasang makalaman.

 

 (Date reviewed: July 11, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS