Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

ANG TANGING INA

Running Time: 

95 min

Lead Cast:

Ai Ai delas Alas, Marvin Agustin, Heart Evangelista, Nikki Valdez, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio, Alwyn Uytingco, Tonton Gutierrez, Jestoni Alascon, Edu Manzano, Dennis Padilla, John Prats, Kaye Abad, Angelica Panganiban, & Introducing: Marc Acueza, Yuki Kadooka

Director: 

Wenn Deramas

Producer: 

Elma Madua

Screenwriters:

Mel Mendoza del Rosario, Keiko Aquino

Music:

Jesse Lasaten

Editor: 

Vito Cajili

Genre:

Comedy

Cinematography: 

Sherman So

Distributor:

Star Cinema

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers of all ages

 

Ano ba ang gagawin ng isang ina upang maitaguyod lamang ang kanyang mga anak?  Si Ina Montecillo (Ai Ai delas Alas), isang ulirang ina ay mabait, maaruga at mapagmahal sa kanyang labing-dalawang anak na bunga ng tatlong asawa na pawang sumakabilang buhay na.  Kahit nag-iisa sa buhay, nakakayanan niyang asikasuhin ang mga pangangailangan nila.  Maliban kay Juan (Marvin Agustin), na nakakaalam ng kakapusan nila ng pera, hindi rin ipinapadama ni Ina na may problema.  Napilitan maghanap ng trabaho si Ina upang matustusan ang mga pangangailangan at makatulong kay Juan na siyang kabalikat niya. Iba-ibang trabaho ang pinasukan at ang mga pagsubok na kaakibat, subalit di natinag si Ina. Pinilit niyang kumita para sa "debut" ni Portia (Heart Evangelista).  Hindi siya nagpabaya sa kanyang mga anak dahil sila ang tanging buhay niya at higit na mahalaga. Tulad ng maospital ang isang anak, siya ay umalis sa trabaho upang asikasuhin ang may kapansanan.

Payak ang tema ng pelikula, ang wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang mga anak, at ito ay ipinakita sa paraan ng iba't-ibang nakakatawa at ilang makabagbag-damdaming eksena.  Ang pangunahing bida ay isang ganap at mahusay na komedyante, dagdagan pa ng mga kabataang artistang kinagigiliwan ng marami at walang humpay na katatawanan ang kahihinatnan.  Maayos ang pagkakagawa ng pelikula, maganda ang tiyempo at konsepto ng mga nakakatawang mga eksena.  Malinaw ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena at mga iba pang aspeto na angkop sa isang pelikulang puros katatawanan.

Gusto lamang ng isang tunay na magulang, katulad ng ina sa pelikulang ito, ang lahat ng maayos at mabuti para sa kanyang anak. Gagawin ng isang ina ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak kahit mga bagay na labag sa kanyang damdamin.  Kahanga-hanga si Juan dahil tinutulungan niya ang kanyang ina sa pagtustos, pag-aaruga at pagdisiplina sa kanyang mga nakakabatang kapatid. Madalang na sa panahong ito ang umaako ng mabigat na responsibilidad tulad ng ginawa ni Juan, na isinasa-isangtabi ang kanyang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng kanyang mga kapatid. Kahit may problema sa pananalapi, nananaig ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at gayun din ang anak sa ina, kung kaya't nabubuhay pa rin sila ng masaya.  Ang isang bahay ay nagmamahalan at nagtutulungan, isang magandang aspeto ng kulturang Pilipino.

(Nirebyu:  Hunyo 27, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS