Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BERTUD NG PUTIK

Running Time: 

102 min

Lead Cast:

Bong Revilla Jr., Roi Vinzon, Rochelle Pangilinan, Regine Tolentino

Director: 

Augusto Salvador

Producer: 

Andrea Bautista

Screenwriter: 

Sigried Barros Sanches

Music:

Jaime Fabregas

Editor: 

Augusto Salvador

Genre:

Action-Comedy

Cinematography: 

Romy Vitug

Distributor:

Imus Productions

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

• • •

Moral Assessment: 

+ + +

CINEMA Rating:  

For viewers 14 and above

 

Ang isang maling desisyon ay maaring humantong sa isang mapait na hinaharap. Taong 1953 sa Maynila nabubuhay si Gabriel de Dios (Ramon "Bong" Revilla, Jr.) isang makisig, tapat na kaibigan at pamilyadong tao.  Siya ay nagtataglay ng kalahati ng isang agimat, ang bertud ng kabutihan, na nagbibigay sa kanya ng kakaibang kapangyarihan na ginagabayan ng aklat ng Apo sa pag-iingat ni Totong (Ping Medina/Pen Medina).  Ang kalahati, bertud ng kasamaan, ay pag-aari ni Damian Buenavista (Romy Diaz), isang taong balak maghasik ng kasamaan sa mundo sa pamamagitan ng pagsanib ng dalawang bertud. Nang tinambangan si Gabriel at kaibigan niyang Tsino si Burnik, niligtas sila ng kanyang bertud at napunta sila sa taong 2003 at dito muling nagpatuloy ang balak ng matandang Buenavista.   Si Manolo a.k.a Parnaso (Roi Vinzon) ang nagmana ng bertud ng kasamaan at ang kapangyarihan nitong taglay.  Sa kasalukuyang panahon sina Carina (Rochelle Pangilinan) at kapatid niyang si Baste (Goyong), ang nagpapaalala sa kanya ng pamilyang iniwan at si Amanda (Regine Tolentino) naman ang babaeng sumira. Humantong sa punto na nagharap at naglaban sina Parnaso at Gabriel ngunit merong matutuklasan ang huli na magpapabago sa kanya.

Puno ng mga special effects ang pelikula subalit mapapansin mo na di gaanong pulido ang pagkakagawa. Maayos naman ang pagganap ng mga pangunahing artista ngunit may mga eksenang may kahabaan. Maayos ang sinematograpiya maliban sa ilang eksena na masyadong maliwanag at nagpapakita sa background ang mga nanonood ng shooting.  Mga ekstrang di kapanipaniwala ang mga reaksyon sa mga nangyayari sa kanilang paligid.  Ilang eksena na masyadong maliwanag at eksenang labanan na di makatotohanan ang dating.

Maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito subalit isa lamang ang hinahantungan, sa huli ang kabutihan ang laging nagawawagi.  Ang mga gawaing di tama ay di nagbubunga ng maganda, tulad ng pag-iwan ni Gabriel sa kanyang asawa at anak upang makiapid sa ibang babae, ang galit at poot ni Parnaso, ang kasakiman sa kapangyarihan ng mga Buenavista at paggamit ng dahas o pagpatay sa kapwa. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.  Sa bawat hakbang na ating gagawin, dapat pag-isipan muna nang mabuti at manalangin upang ang magiging desisyon natin ay tama at naayon sa kalooban ng Panginoon.

 

 (Date reviewed: June 20, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS