Moral Assessment

+

Abhorrent

+ +

Disturbing

+ + +

Acceptable

+ + + +

Wholesome

+ + + + +

Exemplary

Technical Assessment

•

Poor

• •

Below average

• • •

Average

• • • •

Above average

• • • • •

Excellent

CINEMA Rating Guide

VA

For viewers of all ages

V13

For viewers age 13 and below with parental guidance

V14

For viewers 14 and above

V18

For mature viewers 18 and above

NP

Not for public viewing

 

Title:

BIGAY HILIG

Running Time: 

90 min

Lead Cast:

Gardo Verzosa, Carlos Morales Introducing: Rizza Licaros, Vanessa Ferrari, Red Riviera

Director: 

Joven M. Tan

Producer: 

Wilson Pascual

Screenwriter: 

Denis Evangelista

Music:

Sherwin Castillo

Editor: 

Roberto Vasadre

Genre:

Sex-Drama

Cinematography: 

Rey De Leon

Distributor:

Starlight Films

Location: 

Manila

Technical Assessment: 

•

Moral Assessment: 

+

CINEMA Rating:  

For mature viewers 18 and above

 

Pinagsumikapan ng college-graduate na si Gil (Gardo Verzosa) na maisaayos ang buhay nila ng kanyang asawang si Joy (Red Rivera) sa kabila ng maliit na kita sa pagiging bumbero. Subalit hindi ito naging madali para kay Gilbert pagkat nananaig sa isipan at katawan ni Joy ang ala-ala ng kanyang masalimuot na karanasan, kamunduhan at kawalan ng pag-asa.  Pilit na pinagtatapos ni Gil ng high school si Joy, ngunit ayaw ito ng babae.  Sa kanyang kahinaan, hinahanapan niya ng katugunan ang hilig ng kanyang katawan sa sex.  Saan kaya hahantong ang magkasalungat na pananaw sa buhay nina Gilbert at Joy?

Bagama't may kuwentong maituturing ang Bigay Hilig, hindi maikakailang nagiging behikulo lang ito upang makapagpakita ng labis na eksena ng bawal na pagtatalik. Sa kabuuan ay mahina ang aspetong teknikal ng pelikula. Hindi maayos ang daloy ng editing, nakakainip ang ilang eksena, maingay ang background, at minsa'y nakabibingi ang dialogue.  Maliban kay Versoza, ang pagganap ng mga artista ay kapos sa damdamin—lalo na ng si Red Riviera bilang Joy, na mukhang makatotohanan lamang ang pag-arte kapag nakikipagrombohan sa kama.  (Artista nga kaya siya?) 

May gustong ihatid na positibong mensahe ang Bigay Hilig, katulad ng pagiging matatag sa tukso ng isang lalaking may-asawa (si Gil) at ang pagbibigay dangal nito sa kanyang hamak na gawain bilang bumbero.  Subalit ang magandang hangarin nito ay nalulunod at natatabunan ng bulgar na lengguahe, at ng mga "wala-akong-pakialam" na attitudes o pananaw tungkol sa sex na inihahayag ng ilang mga tauhan lalo na ng ina ni Gil (Daria Ramirez) at Alan (Carlos Morales).  Maselan ang mga isyung moral at panglipunan ang walang ingat na inihantad sa pelikula katulad ng kahirapan, pangangalunya, homosexuality, pagpatay at labis na pagkahilig sa sex at kamunduhan.

 

(Nirebyu: Hunyo 6, 2003)

 

HOMEABOUT USNEWSPROGRAMSDOCUMENTSMOVIE REVIEWSARCHIVES
RATINGSCALENDARPHOTO GALLERYCONTACT USPRIVACY POLICY | LINKS